Entry 42

9 2 1
                                    

Dear Diary,

Inagahan ko na ang pagligo para, hindi na ako masundo ni Jared, pinatay ko rin ang telepono ko, hanggang ngayon sobrang nasasaktan pa rin ako sa nakita at nalaman ko kagabi. ‘Maaga ka ngayon, hindi ka ba susunduin ni pogi?’ tanong ni tiya, kumakain na kami ngayon, wala akong gana pero ayaw ko rin namang maging payatot. ‘Hindi na, doon na lang siya sa babae niya.’ atungal ko, napahawak pa si tiya sa dibdib niya, nagulat yata. ‘Ahh, may kabit? Alam mo, Maru, ang gawin sa mga ganiyang boyfriend i-break na, saka 'yong babae todasin mo na.’ payo niya, wala talaga siyang kuwenta pagdating sa mga ganitong bagay. ‘Iyong todasin ang kabit puwede, pero 'yong i-break siya never.’ bulalas ko. ‘Bakit naman?’ usisa pa niya. ‘Marupok ako eh.’ sagot ko. ‘Nakss same vibes kami ng pamangkin ko.’ nag-apir pa kami ni tiyang. ‘Kanino ka naman marupok,  tiyang?’ dagdag ko. ‘Sa pornhub.’ aniya at saka tumawa pa. Akala talaga ni tiyang bagay niya 'yang ganiyang Dzuhhhhh.

Pumasok na ako, wala pang masyadong tao sa room dahil inagahan ko nga, wala rin 'yong seatmate ko na iniwan ako kahapon, nakatunganga lang talaga ako buong oras at iniisip kung sino 'yong babae na 'yon na lumandi kay Jared kagabi. Habang nag-iisip, dumating naman bigla 'yong seatmate ko. ‘Uy, ba't bigla kang umalis kahapon?’ tanong ko. ‘A— ano kasi may emergency sa amin.’ ngumiti pa siya. ‘Ah, okay.’ sabi ko na lang at tumango. ‘Cr muna ako.’ pagpapaalam nito. Tumango na lang rin ako. Bumalik ako ulit sa pag-iisip nang malalim, kaso panira biglang may nag-vibrate, hindi naman siguro 'yon cellphone ko dahil nakapatay naman. Pagtingin ko, 'yong cellphone pala ng seatmate ko, nakapatong sa arm chair niya, tinignan ko lang 'yon at hinayaan na mag-vibrate, hanggang sa naging missed call na.

Sinilip ko lang 'yong wallpaper ng cellphone nito, wow infairness ganda niya dito naka-dress siya ng black. Pero, —Teka, 'di ba, binuksan ko ang cellphone ko, at tinignan 'yong ni-send ni Jared kagabi, bakit pareho sila ng dress nitong babae? Baka, same lang rin ng designer or nabili nila sa mall o 'di kaya Divisoria pero, parehong-pareho talaga, haystttt hayaan na nga lang.

Recess time, nagtago ako sa cr para hindi ako hanapin ni Jared, sinabi ko rin sa mga kaklase na kapag nagtanong sabihin nila absent. Akala niya, marupok ako this time? Hindi na. Doon na lang siya sa kabit niya ano? Magsama pa sila, kahit pa magkaubusan sila ng laway wala akong pake. Hindi na ako marupok, period.

Uwian, dali-dali ulit akong tumakbo palabas ng gate, ayaw kong sabay kaming umuwi ngayon, mainit ulo ko at hindi na ako marupok. Nakauwi naman ako kaagad sa bahay, nahiga na ako sa kama. Ni-open ko ang cellphone ko, dami niyang texts, chats, at missed calls. Binasa ko sila isa-isa, puro sorry lang at I love you. Magre-reply ba ako? Diary, ano? Magre-reply? Oo daw.

Jared: Babe, I Love You, I'm sorry.

Ako: I love you too,

Marupok talaga ako Hihihi,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now