Entry 2

38 4 2
                                    

Dear Diary,

Kanina sa room nagkaroon kami ng surprise quiz akala ko may pakain 'yong teacher namin before mag-quiz kasi nga surprise 'di ba? Pero, mali ako ng inakala 'yon pala binigyan niya kami ng 100 item quiz sa math, halos mamatay ako sa sarili kong kabobohan, mabuti na lang katabi ko 'yong classmate ko na kapareho ko ding shunga, ayon wala kami halos naisagot pero masaya pa rin ako kasi at least may kasama akong babagsak.

Nang recess na nagtungo ako sa may canteen para bumili ng hotdog 'yon kasi ang favorite kong snack. Hindi ko rin inasahan na kasunod ko pala sa pila ay si Jared. Hindi ako makahinga nu'ng oras na 'yon Diary, namumula 'tong tainga niya grabe ang guwapo ng likod nito. Parang gusto ko na lang siyang halikan sa mga oras na 'yon at saka tumakbo kung ma-expel man ako okay lang basta nanakawan ko siya ng halik. Hindi lang 'yon Diary, pareho din kami ng order dalawang hotdog sa kaniya tapos sampu sa akin. Napansin ko rin na hindi nito nilagyan ng ketchup 'yong sa kaniya, ayaw niya ba?

Meron pa Diary, hindi ba nauna niyang nakuha 'yong order niya? Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya sabay tanong ng; Why are you staring at me? Do you want my hotdog?

Hotdog daw ni Jared,

-Maru

Diary Ng MarupokHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin