Entry 12

13 4 1
                                    

Dear Diary,

Nag-start na kanina ang work ko kila Tita Veronica ang future mother-in-law ko na mommy ni Jared, mabait naman talaga siya, mabuti nga hindi matapobre kagaya ng ibang mayaman diyan, dahil wala kanina ang tagalinis ng kuko niya ay ako ang gumawa. Grabe nagulat naman ako kay Tita, ang pina-design sa akin pagkatapos kong malagyan ng cutex ay 'yong mukha ni Peppa Pig, husko Diary, inabot ako ng tatlong oras sa pag-de-design. Pumasok rin ako sa loob ng kuwarto ni Jared, dala ang mga libro at meryenda niya, pagpasok ko sa loob wala siya, pero naririnig kong bukas ang shower nito sa loob ng kuwarto niya, hindi na ako kumatok at pumasok na lang. Dzuhhh hindi naman ako magnanakaw ano?

Inilapag ko ang mga 'yon sa bed niya, at saka tinignan 'yong mga pictures na naka-display, Diary wala akong masabi rito sa kuwarto ni Jared, malawak, malinis, at walang masyadong karengkeng 'yon lang mga maraming sapatos at mga laruang sasakyan siguro na laruan niya nang bata pa siya. Habang tinitignan ko 'yong mga larawan, nakita ko 'yong isang picture mga 8 years old yata rito si Jared, tapos may kasama siyang babae sa pic, nakangiti sila pareho. Diary, kumirot ang heart ko. Hinawakan ko pa 'yon at tinitigang mabuti baka namamalikmata lang ako, at hindi totoong may kasama siyang babae dito, pero Diary, meron talaga. Inalog ko 'yong larawan at biglang may nahulog na isang kulay red na papel sa sahig, nakasipit yata sa likod nu'ng frame.

Pinulot ko 'yon Diary, nakatupi kaya binuksan ko. Hindi ko naman inaasahan na may nakasulat pala, ‘Dear Anika, I'm still waiting for you.’ iyan lang ang nakalagay. Diary, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon, natatae ako na ewan. Anong ibig sabihin nito?

‘Why the hell, are you holding that?!’ sigaw ni Jared at saka dali-daling lumapit sa akin at kinuha ang picture. Topless siya ngayon Diary, wet look pa pero wala akong pake dahil may iba na pala siya. ‘Sorry Jared.’ sagot ko. ‘Leave.’ itinuro niya ang pintuan. ‘Jared please ayusin natin 'to.’ pagmamakaawa ko, nagulat naman ang reaksiyon niya. ‘Baliw ka na ba? Anong aayusin natin? walang tayo ulol! Sabi kong alis!’ pag-uutos niyang muli.

Paano ko ba siya susuyuin?

Tampo King, Jared

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now