Entry 22

9 3 0
                                    

Dear Diary,

Ito nga ang mga kaganapan kanina sa simbahan. Pagkababa namin ng sasakyan niya naroon pala sa harap ng simbahan naghihintay ang mga barkada niya kasama ang mga girlfriends nila. ‘Ohh, You didn't inform us bro na kayo na pala ng may crush sa'yo.’ kantsaw nu'ng isa. ‘Oo nga bro, hindi ba siya si Maru? Medyo nagmukhang tao dahil nakaayos.’ napatawa pa itong isa na color red 'yong buhok akala mo kina-guwapo niya 'yon dzuhhh. Kutusan ko isang daan 'to e. ‘Shut up, nasa harapan pa naman kayo ng simbahan tapos manlalait kayo.’ pag-alma ni Jared. ‘Ohh, sorry Maru.’ sabi nu'ng dalawa. Bale, apat sila Jared na magba-barkada ayos naman 'yong dalawang kaibigan niya, ewan ko lang dito sa dalawa na may kulay ang buhok, anak yata ni Satanas.

Kami ni Jared ang magkatabi ng upuan, 'yong mga barkada niya nasa likod namin, ayaw kasi ni Jared tumabi sa kanila dahil masyado silang maiingay. Nagsimula na ang misa, ang sermon ng pari ay tungkol sa pagmamahal, sabi na niya; ‘Mahal tayo ng Diyos, kaya dapat rin na mahalin natin ang ating sarili at mga kapwa nating nilikha rin niya, ngayon sabihin mo sa 'yong sarili, Mahal kita, self.’ anunsyo nito, ‘Mahal kita, self,’ sabay pa naming sabi ni Jared sa aming mga sarili.

‘Ngayon naman, let's spread love to our fellows, this time, sabihin mo sa katabi mo, Mahal kita.’ dagdag pa niya. Medyo na-shookt ako ng bongga doon Diary, nagkatinginan kami ni Jared Diary, ‘M—mahal kita.’ nauutal kong sambit. ‘Mahal kita.’ casual niyang sabi at saka ngumiti nang kaunti.

Sanaollllll,

-Maru

Diary Ng MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon