Entry 6

19 4 1
                                    

Dear Diary,

Mamayang gabi na ang grand ball, nakatunganga ako ngayon at hinihintay ang tiyahin ko na umuwi galing Divisoria namili kasi siya ng dress na susuotin later. Sobrang bored talaga kaya nangapitbahay na muna ako. Pinagtripan ko 'yong mga nag-iinuman sa kanto at sinabihang adik hindi naman sila umalma, so totoo nga. Tinanong ko rin 'yong Nanay na naglalaba sa gilid ng daanan kung anong posisyon ang ginagawa nila ng asawa niya ta's ang sagot 88 daw. Luhh may ganoon? Wala akong pambili ng soft drinks kaya nangutang muna ako. Umupo ako sa bangko, nagliwaliw habang iniisip kung bakit two weeks lang ang summer vacation, eh absent ko lang 'yon noong grade 7 ako.

Bigla ko ring natanong sa isipan if there's a chance na maging kami ni fafa Jared ang sagot ng atay ko wala raw, sinabihan pa ako ng lungs ko na masyado raw akong assumera. Ba't ganito ang mga organs ko napaka-bitter at epal? Mabuti pa itong heart ko sabi bukas raw magiging kami na bukas. Ay weh? Nagulat naman ako Diary, nang bigla kasing may tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko naman ito Diary. S—Si Jared, nakahawak siya ng bouquet, nakangiti sa akin. Napaka-fresh niya today. ‘Yes?’ sagot ko sabay ipit ng buhok sa tainga. ‘Can you be my date at the grand ball tonight?’ sagot nito halos pumutok ang balun-balunan ko Diary.

‘Maru! Gagu kang bata ka! Pati dito sa harap ng tindahan natutulog ka! 'yong sinaing mo naging kasing-itim na ng singit mo!’ sigaw ng tiyahin sa mismong tainga ko. Kairita!

Panaganip lang pala, pero atleast binigyan niya ako ng flowers in my dreams. Hihihi

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now