Entry 4

26 4 2
                                    

Dear Diary,

Inutusan ako kaninang umaga ng tiyahin kong napuyat kakanood ng porn kagabi, sabi niya bili raw ako ng King Size na hotdog sa may supermarket para sa agahan namin, sinunod ko naman siya. Nang nasa loob ako ng supermarket hindi ko inaasahan na ipapahamak ako ng katangahan ko nabangga ko 'yong stante na puro nutella ang nakahilera, 25 na piraso na ganoon ang nabasag ko, nagkalat 'yon sa may flooring, yumuko rin ako para matikman idinampi ko ang daliri ko doon sa may sahig at saka kumuha ng kaunting chocolate, bukod sa magnum never ko rin natikman in my entire life ang Nutella.

Sabi nu'ng staff sa akin bayaran ko raw, Diary grabe 'yong kaba ko kasi wala naman akong pambayad 2,500 daw lahat 'yon, dagdag pa nila ikukulong raw nila ako kapag hindi ako nagbayad, kakasuhan, makukulong, lilitisin at hahatulan ng kamatayan. Akala ko katapusan ko na talaga pero may dumating na naman. 'I'll take charge of it.' aniya. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako, napakagwapo niya Diary, matangkad rin, matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang mukha basta ayon epitome of perfection sayang nga lang hindi siya si Jared, so, automatically he's not my type. Magpapasalamat sana ako kaso inunahan niya na ako.

"You'll be my date for the ball next week in exchanged of my help a while ago." saad nito. Literal akong napanganga, bigla rin tumulo 'yong laway ko.

Huhuhu si Jared ang gusto kong ka-date Kuya,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now