Entry 20

13 3 0
                                    

Dear Diary,

Saturday ngayon. Pumasok ako kanina kila Jared. Okay naman ang araw ko, ang inatupag ko lang ay tulungan si Jared na mag-comply sa na-missed niyang activities sa Filipino. Ewan ko ba 'to, ubod ng guwapo bobo sa Filipino. Ganito nga 'yon Diary, napag-utusan din ako ni Ma'am Veronica nang tanghali para mag-grocery, bigla kasi silang naubusan ng mga additives at day-off pa ng mga kasambahay at driver nila. Ibinigay niya sa akin 'yong listahan ng mga bibilhin medyo madami. Akala ko mag-co-commute ako pero hindi, kasi tinawag niya si Jared na abala sa paglalaro ng video games sa kuwarto niya, inutusan niya itong ihatid ako. Akala ko Diary, aalma siya pero hindi, nagpalit lang siya ng shirt at saka na bumaba ulit.

Hawak ko na ang wallet at saka listahan. ‘Let's go.’ pagtawag niya sa akin, naging alerto naman ako at agad na sumunod sa kaniya. Umupo ako sa may backseat pero— ‘Dito ka sa harap.’ kalmadong saad niya. Binuksan niya 'yong passenger's seat at saka ako sinenyasan, sinunod ko naman siya. Umikot siya at saka naupo na sa driver's seat, isinuot pa nito ang kaniyang sunglasses. Pisti, panay ang lunok ko sa sarili kong laway dahil sa kagwapuhan niya.  Hindi ko na rin namalayan na nakarating na pala kami sa supermarket dahil panay ang titig ko sa kaniya. ‘Quit staring at me, I might melt.’ aniya at saka na inipit sa tee-shirt niya ang kaniyang glasses.

Dahil sa ignorante ako ay hindi ko alam kung paano buksan itong pintuan ng sasakyan niya, sumaklolo naman siya at saka 'yon binuksan. Nauuna siyang naglalakad papasok at nakasunod lang ako sa kaniya. Ang daming nakatingin sa kaniya, medyo nagseselos nga ako e, Pagpasok namin sa supermarket ay siya na rin ang kumuha ng trolley at saka nagtulak n'on ako lang ang tagakuha. Panay ang bungisngisan ng mga saleslady at hagikgik nila habang nakatitig sila sa kaniya.

Hindi ko maabot kanina 'yong cream masyado kasing mataas ang istante na kinalalagyan niya, sinubukan ko pang tumingkayad para abutin 'yon pero, hindi ko talaga kaya. Nagulat na lang ako nang kinuha 'yon ni Jared at nasa likuran ko na pala siya, nagdikit ang mga katawan namin at naramdaman ko 'yong ano, 'yong —abs, matigas siya mygosh. ‘Here.’ anito, kinuha ko naman 'yon at saka na inilagay sa trolley.

Natapos ang pamimili namin, nasa counter na kami masyadong mahaba ang pila hassle. Bigla ring nawala si Jared, saan ba nagpunta 'yon? Kalahating minuto akong nakapila hanggang sa natapos na at nagbayad na ako. Nakita ko namang bumalik si Jared may hawak siyang plastic bag ng 7/11, binuhat ko na 'yong mga naka-supot na groceries medyo mabigat.  Lumapit na rin ako sa kaniya, tinulungan naman niya akong buhatin 'yong dalawa, mas malakas kasi siya.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan, binuksan niya 'yong supot at saka iniabot sa akin ang isang chocolate ice cream. ‘I bought two, one is for you, and one is for me.’ wika nito. Tinanggap ko naman 'yon, hindi ako makapaniwala na binigyan niya ako ng ice cream, nakatitig lang ako roon ng matagal. ‘You don't like ice cream? What do you like?’ bulalas niya.

‘Ikaw.’ biglang sagot ko, saka tinakpan ang aking bibig.

Nadulas,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now