Entry 19

12 4 0
                                    

Dear Diary,

Biyernes ngayon, hindi na kita na-kwentuhan noong mga narakaang araw kasi wala namang espesyal na nangyari. Alam mo pala Diary, sinusungitan na naman ako ni Jared, hindi ko alam kung bakit. Sinasabihan pa niya ako ng malandi dahil daw panay ang pakikipag-fling ko roon kay Jethro, si Jethro naman kasi ang kusang lumalapit sa akin nagbibigay ng kung anu-ano binigyan niya ako ng kwintas ba suot ko ngayon, tapos kinabukasan n'on binigyan na naman niya ako ng flowers at saka teddy bear nakita kasi 'yon ni Jared. Ayaw ko naman i-conclude na nagseselos siya, hindi naman ako assumera.

Inutusan din pala ako ni tiya kanina na bumili ng toyo sa tindahan, habang naglalakad ako sa madilim na parte wala nga kasi 'yong tindahan dito sa amin bankrupt na, kaya, kailangan kong pumunta doon sa kabilang kanto. So, ganito nga 'yon Diary, 'di ba tahimik akong naglalakad, nang biglang may humablot sa sa braso ko, tumunog pa 'yong buto ko pisti masakit. Dalawang lasing na adik na malapit ng ma-tokhang ni Duterte ang nakahawak ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Diary, kinabahan talaga ako sinisigawan ko pa sila na bitawan nila ako pero matigas talaga ang bungo nila. ‘Kakainin ka namin!’ pagbabanta nila, Diary natakot ako ng bongga. ‘Mga gagu! Hindi ako pagkain!’ panlalaban ko. Pero humalakhak lang sila ng malakas. Akmang kakaladkarin na nila ako nang may magsabing. ‘Bitawan niyo siya.’ kampanteng sabi ng isang lalaki na nakapa-maywang pa.

Naka-helmet ito, leather jacket at bumaba sa isang astig na itim na motor. Dahan-dahan niyang tinanggal 'yong helmet niya. Si —Jared. Magulo ang buhok nito pero ang guwapo niya sobra. ‘Sino ka ba ha? Batang hamog?’ mayabang na untag nu'ng lalaking nakahawak sa kaliwang braso ko. Ngumisi lang si Jared at saka dali-daling pinaulanan ng suntok 'yong dalawang lalaki. Bumagsak sila ilang minuto pa lang ang lumipas, hindi na sila makagalaw.

Tumingin sa akin si Jared, medyo nagulat pa ako dahil ang galing niya pala sinuntok. ‘Thank you.’ sabi ko. Ngumisi lang siya sa akin Diary, ‘Next time be observant of your environment para hindi ka masaktan.’ aniya. ‘Saan ka ba pupunta?’ dagdag pa niya. ‘Diyan lang sa tindahan bibili na toyo.’ sagot ko. ‘Sakay ka na, sasamahan kita at ihahatid na rin pagkatapos baka ma-paano ka pa.’ pag-aalala niya. Iniabot niya sa akin 'yong isang pink na helmet, nakita kong may pangalan na naka-print doon. ‘Anika.’ ang nakalagay. Umangkas na lang ako sa kaniya.

Mahaba ang hair,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now