00

33K 537 44
                                    

P R O LO G U E




PAULIT-ULIT na pumapasok sa isip ko na mali ang ginagawa ko but I can't step back now. Sumilip ako sa magarbong mansyon.

The monster's house.

'Yon ang tawag sa tahanan ng lalaking nakatira rito. Hindi ko pa talaga siya nakikita pero dahil sa mga usap-usapan, I couldn't stop my curiosity kaya nandito ako.

I'm sure mapapagalitan na naman ako ni Mama nito kapag nalaman niya kung anong ginagawa ko ngayon.

I kept hearing so many things about the man named Alexendris Courner. A short-tempered ruthless man. I wonder if it's really true.

Base sa nakikita ko, he is extremely rich. He has a two storey mansion. Eight hectares ang lawak ng lupa niya at hindi lang mansyon ang nakatayo rito.

"Odd. Bakit parang sobrang tahimik?" nagtatakang tanong ko.

Iginala ko ang paningin sa paligid bago nilapitan ang guard house. Nagulat ako nang wala akong nakita roon na bantay. Sa laki ng bahay niya, wala siyang security guard? Hindi ba siya natatakot manakawan?

Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Alam kong trespassing na 'to pero hindi ko mapigilan ang sarili. Tinulak ko ang gate. Muntik pa akong masubsob dahil hindi pala naka-lock.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi kaya nalooban na sila?"

Nope! This is not trespassing. I'm just checking. Mamaya totoong ninanakawan na sila. Concern citizen lang ako no!

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bahay. I see three sports car parked in the right side. May tao kaya sa loob? Mas lalo akong kinakabahan, eh.

I made my way to the door. Nanginginig pa ang kamay ko habang kumakatok sa pintuan. Walang sumasagot.

"Tao po-"

Hindi naituloy ang dapat sana'y sasabihin ko nang may mag-salita sa likuran ko.

"You!"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang baritonong boses na 'yon na parang handa nang manlapa. Dahan-dahan akong napalingon.

Our eyes met.

His deep sharp blue eyes bore at me. There's a dangerous glint in those orbs na nakapag-paatras sa akin.

Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalapit sa'kin. He held my hand and pull me close harshly.

"You shouldn't be here, young woman."



No EscapeWhere stories live. Discover now