Chapter 35 - Secret Admirer DAW

Начните с самого начала
                                    

 

"Sandali nga... Baliw ka ba? Huh. I was thinking na baliw iyong nagbibigay sa'kin ng mga yun and now na kilala na kita, mas baliw ka pa sa iniisip ko. Whatever you're doing hindi ka nakakatuwa. I don't care how expensive those things are, it just don't make sense that I accept things from someone I don't even know. And it also doesn't make sense that I accept things from you. Kung hirap kang gastusin ang mga pera mo, huwag ako ang pag-aksayahan mo nun... Maghanap ka nang ibang taong matutuwa sa pera mo."

 

Naikuyom ko na lang ang mga palad ko. Gigil na gigil na talaga ako. Buti napigilan ko pa ang sarili ko kanina at hindi ko nasabunutan ang conceited na yun. Bwisit talaga ang lalaking iyon.

Buwisit.

Buwisit.

Buwisit.

Buwisit.

Isipin niyo nga. Hindi pa nga siya nagsosorry sa ginawa niya noong birthday ng papa ko tapos eto na naman siya. Pinapakulo talaga niya ang dugo ko. Ano bang iniisip niya? Sa tingin ba niya nakakatuwa iyang ginagawa niya?

"Aren't they expensive enough?"

 

Grrrrrrrrr. At anong tingin niya sa'kin? Mukhang pera. Sampalin ko siya ng pera diyan eh.

Kakalabas lang namin ng room. Nakita ko si Stephen parang may hinihintay. Ng makita niya ako ay bigla siyang lumapit sa akin. Ngumiti siya kaya ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Diana. Do you have time? Pwede ba kitang makausap."

 

Tumango ako. Sinabihan ko ang mga kaibigan ko na mauna na. Sinundan ko siya. Nagpunta kami sa cafeteria. Wala nang masyadong tao doon. Nagsiuwian na kasi karamihan ng mga estudyante.Naupo siya kaya naupo na rin ako.

"Stephen ano iyong sasabihin mo?"

 

"Ahmmm. Pasensiya ka na talaga kay James Diana ah."

 

"Ha???"

 

"I heard hindi ka nakarating sa birthday ng papa mo dahil sa kanya. Pasensiya ka na talaga."

 

"Ano ka ba. Bakit ikaw ang nagsosorry eh wala ka namang kasalanan. Si James nga hindi nagsosorry sa ginawa niya eh."

 

"Si James kasi. He's no good at showing his apology. Kaya ako nang nagsosorry sa'yo. Kapag kasi siya ang gumawa non you'll just get mad at him even more. Madadagdagan lang kasalanan niya sa'yo."

 

"Anong ibig mong sabihin?"

 

"Di ba alam mo na si James ang nagpapadala ng regalo sa'yo. That's his way of saying sorry."

 

"Seryuso ka ba?"

 

"Oo. And since you didn't accept any of it, he's been frustrated the past few days. Hindi na niya alam kung ano pa ang ibibigay niya sa'yo. So he confronted you, and I'm sure hindi na naman naging maganda ang pag-uusap niyo. You see Diana, He's not used to apologizing to people. He doesn't care if he hurt other people and now that he did, he didn't know what to do anymore. Kaya kung pwede patawarin mo na siya at huwag ka nang magalit sa kanya and be more patient with him."

 

"Pwede ko siyang patawarin. Pero iyong huwag magalit sa kanya at iyong pagpasensiyahan siya hindi ko yun maipapangako. Alam mo kasi Stephen, sobrang nakakainis talaga ang ugali ng kaibigan mo. Makita ko pa lang ang mukha niya kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko maintindihan ang ugali niya."

 

Bigla siyang tumawa sa sinabi ko.

"Bakit?"

 

"Wala lang. Ganyan na ganyan din kasi ang sinabi ni James tungkol sa'yo."

 

"Alin?"

 

"Na makita pa lang niya ang mukha mo kumukulo na ang dugo niya. At hindi niya maintindihan ang ugali mo. Parehong-pareho talaga. English nga lang yung kanya. Hahahahahahahahaha."

 

When Suplado Boy Meets Palaban GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя