Chapter 35 - Secret Admirer DAW

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinabukasan ay nagulat na naman ako. Wala na doon iyong roses at bag kahapon pero may pumalit. White roses naman ngayon tapos Rolex na watch.

?????????????

Question mark talaga ang nasa utak ko. Mukhang baliw talaga iyong naglalagay niyan sa mesa ko. Mag-iwan ba talaga ng mamahaling bagay dito. Buti at walang makati ang kamay dito. Pinalo ko ang kamay ni Nica ng akmang hahawakan niya ang watch.

Kinabukasan. At kinabuksan. At kinabukasan ulit. At kinabukasan na naman. Every morning nang may nakalagay sa mesa ko. Every morning ay iba-ibang bulaklak at iba-ibang bagay. Every morning din akong pinagtitinginan at pinag-uusapan ng lahat. Every morning din ay naiinis ako. Gusto ko nang balatan ng buhay kung sinumang nag-iiwan ng mga bagay na yun sa mesa ko. Nawala nga ang problema ko doon sa conceited na prinsipe nitong school ay may pumalit naman na kulang sa pansin na hindi ko alam kung sino. And speaking of the conceited prince. Hindi ko yata siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Simula nang tumigil ako sa pagpunta doon sa recreation room ay hindi ko na siya ulit nakita. Pabayaan na nga lang yun. Malamang nagkukulong yun sa palasyo niya.

Papasok na ako ngayon. Huminto ako sa paglalakad dahil may kasalubong ako. Kaso huminto din siya. Humakbang ako pakanan pero humakbang din siya sa prehong direksiyon. Right, left. Right, left. Right, left. Napabuntunghininga ako tapos tiningala ko kung sino mang nakaharang sa daan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako ng makita ko kung sino siya. Wala nang benda ang braso niya. Nakatitig siya sa akin at sobrang nagtataka iyong expression niya. Ano na naman problema nito?

Humakbang ulit ako pero hinarangan na talaga niya ako.

"Naman... Ano bang kailangan mo?"

 

"Why didn't you accept it?"

 

"Accept what????"

 

"The thing I gave you."

 

"What things?????..... Wait.. You mean ikaw naglalagay ng mga yun sa mesa ko?"

 

"Magtatanong ba ako kung hindi."

 

"Eh bakit mo naman ako binibigyan nun?"

 

"That..... Didn't you like it? Tell me, ano bang gusto mo?"

 

"Ano bang sinasabi mo? Tsaka sagutin mo nga iyong tanong ko. Bakit mo ko binibigyan ng flowers tsaka expensive gifts?"

 

"Aren't they expensive enough?"

 

"Ano????"

 

"You didn't like those so I guess you wanted the most expensive."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon