"Diba matalino ka naman, pwede ka naman manuod nalang ng mga video diba... kaya mo naman pag aralan mag isa yan e, Lucas naman e nag promise ka na mangingisda tayo ngayon. Pero mas' gusto mo makipaglaro sa mga kakakilala mo palang na mga batang yan!"

"Tss..." na agad na tumalikod. Lumapit siya sa dalawang bata at masaya silang naglakad palayo! Hindi man lang siya lumingon, talagang pinagpapalit na ako ni Lucas sa mga ibang kalaro!

Napabusangot nalang ako ng hindi ko na sila makita.














Natuloy kame ni Sir Lewford pumunta kame sa Laguna kung saan kameng dalawa lang ang nakatambay sa isang Kubo na nakatayo malapit sa isang ilog. Mapuno ang paligid, malinis ang ilog. Kitang kita mo ang mga isda na lumalangoy.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Sir Lewford habang pareho kameng nakaupo sa lupa sa gilid ng ilog at nakababad ang pamingwit sa tubig.

"Sayang po, hindi natin kasama si Lucas." Sabi ko naman. "Mas gusto niya pong makipaglaro dun sa mga bago niyang nakilala," malungkot na pagsusumbong ko sa tatay ni Lucas.

"Ayaw mo bang makipaglaro sa ibang bata ang kaibigan mo?" pagkausap nito sa akin habang sinisindihan ang isang sigarilyo mula sa isang kaha na nakalapag sa tabi niya.

"Naiinis lang po ako, ayoko po kase may ibang kalaro si Lucas." Pag amin ko. Napatingin sa akin si Sir Lewford at manghang ginulo ang buhok ko.

"Hindi ka naman iiwan ng anak ko, gusto lang siguro niya makipagkaibigan sa iba." sabi niya naman. "Para may matutunang iba,"

"Siguro nga po, wala naman kase ata siyang natutunan sa akin. Sa totoo nga po, sa kanya ako maraming natutunan." Mabilis naman na sagot ko.

"Ibig kong sabihin gusto niya mag explore ng ibang bagay sa ibang tao sa paligid niya," muli kameng tumingin sa harap ng ilog. May mga taong dumadaan, may mga dalang sako na may laman na pananim.

Kinawayan ni Sir Lewford ang mga ito, na gumanti naman ng ngiti. Tila kilala na nila ang isa't isa.

"Hindi ka ba niya niyaya?" naringig ko ulit siya magsalita.

"Niyaya naman po." Sagot ko.

"Hindi marunong mamilit ang naka kong 'yon" sabi niya habang nagsisimula ng hithitin ang sigarilyong kagat kagat niya.

"Ayoko lang po talagang makipaglaro sa iba, gusto ko lang po talagang si Lucas ang kasama." Namangha ulit siya sa sinabi ko.

"Ganyan din sa akin ang Tatay mo," tila nabingi ako ng banggitin niya si Ama. Napatingin ako sa kanya. "Tulad mo rin siyang napaka protective sa akin," pagkekwento niya. "Sa sobrang pagdadamot niya sa akin sa iba, may nagawa siyang kasalanan sa akin."

Tinignan niya ako.

Ngumiti siya.

"Pero, kahit ganon pa man... hindi ko kayang tiisin ang kaibigan kong yun." Biglang sabi niya. Nabuhayan naman ako ng saya, dahil tila nagpapahiwatig siya na ayos na rin sila ni Tatay. "Gusto mo na ba makita si Allan?" mabilis akong tumango sa tanong niya.

Gusto ko sana malaman kung ano ang naging kasalanan sa kanya ni Tata. Pero nahihiya ako kay Sir Lewford, kaya naman tahimik ko nalang ibinalik ang sarili sa pamimingwit.

Marami kameng nahuling Isda, ang iba ay niluto namin sa may gilid mismo ng ilog at ang iba naman ay iuuwe naming sa bahay ng mga Lim.

Habang naglalakad kame pabalik sa sasakyan ay kinausap ako ni Sir Lewford.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now