Chapter Three

11.5K 121 0
                                    

3

===================

"Anong gusto mong kainin?" Nang makaupo na kami ay tanong nya sa akin.

May dalawang book menu sa may harapan namin, kinuha nya ang mga ito at ibinigay sa akin ang isa.

Tinignan ko naman kung ano ang mga pwedeng orderin namin, halos lahat naman ay mukhang masasarap,hindi ako makapiling mabuti dahil halos lahat ay gusto ko.

"Kahit ano na lang." sabi ko na lang sa kanya. Bahala na sya kung anong orderin nyang pagkain para sakin.

Napatingin sya sakin ng sabihin ko yun. I heard him chuckled at may kasama pang pag-iling iling.

Napapout na lang ako sa inasta nya na yun.

Maya-maya naman ay sinabi na nya ang kanyang mga order sa nakatayong waitress sa tabi namin na sadyang naghihintay ng order namin.

Nang maihatid na ang order namin ay tahimik na kaming kumain. The foods was very awesome. Hindi ko akalain na sa ganito ako kaeleganteng restaurant nya dadalhin, samantalang simpleng lunch lang naman ay ok na sakin.

Habang kumakain kami ay tahimik lang kami pareho, parang nagtatantyahan lang kami kung sino ang nais magsalita. Ang awkward diba?

"Thanks for the food. " sabi ko sa kanya after I drinked my water.

"It's fine." sagot nya sakin ng nakangiti habang patuloy parin sa pagkain.

Nakakahiya man ngunit nauna pa akong natapos sa kanyang kumain. Sa sobrang pagkataranta ko sa mga titig nya ay hindi ko na namamalayan na panay na ang subo ko sa pagkain. At sya,ayan tuloy at hindi pa matapos tapos sa kanyang pagkin. Seryoso,habit nya ba talagang titigan ako?

Habang patuloy naman sya sa pagkain ay nagkaroon naman ako ng pagkakataon na matitigan sya. Yung itsura nya ay tipong makalaglag panty talaga. Sa tikas at tindig ay matutulala ka pag natitigan sya, na syang nangyayari sakin ngayon. Ngunit mababakas sa mukha nya ang katapangan ng kanyang aura na syang nakapagpadagdag ng kanyang appeal. Napansin ko rin na may maliit na nunal sya sa may bandang sintido.

Kanina habang papasok kami dito sa restaurant ay mapapansin ang pagtitig sa kanya ng mga kababaihan,ngunit hindi ko na lang pinansin yon. Magkaroon ka ba naman kasi ng kasamang ubod na ng gwapo,killer smile na,at ang tikas pa ng pangangatawan.

Hindi ko na namalayan na nakatitig narin pala sya sakin habang abala ako sa pagkilatis sa kanya.

"satisfied?" he asked while grinning at me.

Nagulat ako ng magsalita sya. Hindi na naman ako mapakali at hindi malaman ang gagawin sa muling pagkapahiya sa kanya.

I took a napkin and wiped my mouth, at kunyari ay inaayos ko ang mga gamit ko.

"Hey are you ok? I'm just asking if you are satisfied about the foods." aniya na halata namang hindi yun ang ibig nyang sabihin kanina.

Napatingin naman ulit ako sa kanya at mababakas ang kapilyuhan sa mukha nya.

"O-ok lang." mabulol bulol kong sagot ko sa kanya.

Sa totoo lang,masarap ang pagkain nila dito,at kung tatanungin kulang ang salitang masarap,dahil kakaiba talaga ang sarap ng lutuin nila dito. Tiyak na babalik balikan.

"So do you have any other plans for today? I am thingking--- maybe I can tour you around?!" aniya habang nasa mukha parin ang pagngisi.

Naasar ako sa pagngisi ngisi nya, parang nanghaharot lang. Hindi na nga mapakali yung tao, parang nakaaloko lang. Arrgg..

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now