Chapter Fifty Five

4.2K 68 9
                                    

55

============

Hinabol ko naman sya at sinabayan sa paglalakad.

Pagkalabas namin ng villa ay agad din naman namin silang nakita sa kaisa isang restaurant sa loob ng resort. Pagkalabas kasi ng villa ay bubungad na ang malawak na infinity pool na pumapagitna sa bar ng resort. At sa likod naman ng bar ay ang restaurant. Mula sa resort ay matatanaw naman ang malawak na karagatan.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng mapansing nauuna na namang maglakad si Casey.

Pagkarating namin sa restaurant ay napansin kong kami na nga lang talaga ni Casey ang hinihintay.

Napansin kong nakatabi na si Casey kay Jake at Uno. Samantalang sa pagitan naman ni Andrei at Marco ang bakante na lang na upuan.

Napatitig ako kay Marco, topless at naka swimming short lang sya habang nakasupil sa kanya ang rayban shade nya.

"Hon,dito kana maupo."

Nagulat naman ako ng magsalita si Andrei. Tumayo pa sya at inalalayan pa akong makaupo.

Pakiramdam ko ay pulang pula ako. Ito na naman kasi yung pakiramdam ko sa tuwing makikita ko sya.

"Hon try this, it's a crispy crablets. Diba favorite mo ang seafoods?" napalingon akong muli kay Andrei.

Nilalagyan nya ng pagkain ang platong nasa harapan ko.

Ano ba to.

Bakit kailangang makaramdam pa ako ng ganito.

Andito si Andrei, asikasong asikaso nya ako. Dapat nasa kanya lang ang atensyon ko. Gayong nagpapanggap kami kaya kailangang mapaniwala namin sila.

"Ano ba yan, may insect repellent ba kayo? Nangangati na kasi ako."

Napalingon kami kay Uno ng magsalita ito.

Nagkukunwaring nagkakamot ito gayong alam kong nanunudyo lang ito.

"Inggit ka naman, palibhasa ikaw walang kasweet sweet." singit naman ni Jerome.

"Hoy kung hindi ako sweet walang mga babaeng nagkakandarapang tumikim ng tumikim sa akin."

Natatawa naman kami sa banatan ng dalawa.

Napapailing akong nilingon na lang si Andrei na ngayon ay titig na titig na pala sa akin.

Bigla naman akong natigilan sa klase ng titig nya.

Para ba kasing naghaheart ang mga mata nya. Pakiramdam ko parang ako lang ang nakikita nya.

Part pa din ba to ng pagpapanggap namin?

"Naku naman, hindi lang pala insect repellent ang kailangan. I need more air!" si Uno.

Napabaling naman kami sa mga kasama namin na ngayon ay mga titig na titig na pala sa amin.

"Uhurmn" nilingon ko ang kanang nasa tabi ko.

"Magsikain na tayo, para makapagpahinga na. Mamaya maya lang kasi available na ang mga kayak na rerentahan natin." aniya sa amin.

Ipinagpatuloy na nya ulit ang pagkain matapos nyang sabihin ang mga yon.

Napalingon naman ako kay Lanie na nasa tabi nya lang na tahimik lang ding nakatitig sa kanya.

Wala na ngang nagsikibo at ang lahat ay nagpatuloy na nga sa pagkain.

***

Kinahapunan masayang masaya ang lahat habang nasa beach.

Nagrent sila ng kayak na pang walong tao ang pwedeng sumakay.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now