Chapter Twenty Two

5.7K 72 2
                                    

22

===================

Naalimpungatan ako sa pagkakatulog ng makaramdam ng parang may humahaplos sa aking mukha.

Nabungaran ko ang lalaking laging laman ng isipan ko.

Tuluyan akong nagising ng magsalita sya. Bumangon ako at umupo habang nakatingin lang sa kanya.

"Babawalan mo na naman ba ako ngayong andito ako sa kwarto mo?" may pagtatampo sa tinig nya.

Amoy alak sya.

Uminom ba sya?

"Nakainom ka ba Marco?" sa halip ay tanong ko sa kanya.

Antok na antok pa din ako. Alam ko na masama parin ang loob nya sa pagtatago namin ng totoong relasyon namin.

Namumula ang mukha nya nang dahil.siguro sa alak. Ramdam ko ang init na sumisingaw sa katawan nya.

"Palalabasin mo ba ako ngayon dahil baka may makakita na naman sa atin?" sa halip ay patuloy nya.

Nakaupo sya ng pasalampak sa gilid ng higaan ko habang mataman paring nakatitig sa akin na may paghihinanakit.

I looked at the clock, it was half past one na ng madaling araw.

"It's not like that Marco. Nag-iingat lang ako." paliwanag ko sa kanya.

I heard him sighed.

"Ano nang mangyayari satin pag bumalik ka na sa Maynila?" tanong nya.

"You can visit me."

"At ano patago na naman?" aniya na punong puno ng paghihinakit ang tinig.

"Paulit-ulit na lang ba tayo Marco?" naiirita ko ng sabi sa kanya.

Kinuha ko ang isang unan at niyakap yun habang nakasalampak parin ako ng upo sa aking higaan. Nakukulitan na ako sa kanya.

"Magtanan na lang tayo."

Napatingin naman akong bigla sa sinabi nya na yon. Gulat na gulat talaga ako at naisip nya yung bagay na yon.

"What are you crazy?" pigil kong sigaw sa kanya..

"Babe-" nilapitan nya agad ako ng tuluyan na akong nagalit sa kanya. Ngunit agad naman akong pumiksi sa mga hawak nya at lumayo sa kanya.

"Sorry. Wala na akong ibang maisip na gawin. Siguro nga baliw na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." napatingin naman ako sa kanya ng maramdaman ko ang paghikbi nya habang nagpipilit makayakap sa akin.

"From the start pa lang Marco, I told you, itigil na natin to, dahil parehas lang tayong mahihirapan di ba?" sabi ko sa kanya ngunit parang mas lalo ko pa yata napahirap ang kalooban nya.

Tuluyan na syang umiyak. Naawa naman ako sa itsura nya. Dahil ba ito sa kalasingan nya o dahil sobrang nasasaktan lang sya.

"No please, wag mong sabihin yan. I love you." at binigyan nya ako ng mabibining halik sa parte ng aking mukha nang tuluyan na nya akong maabot at mayakap.

Naaawa ako sa kanya na naaasar. Parehas lang naman kaming nahihirapan. Para namang madali ang sinasabi nyang magtanan kami. Mga bata pa lang kami at hindi pa naman ako sigurado kung kami na nga ba habang buhay. Madami pang pwedeng mangyari sa relasyon namin, at alam kong habang tumatagal ay mas lalong hihirap ang mga pagsubok na pwedeng dumaan sa relasyon amin.

Sa totoo lang habang hinahalik halikan nya ako ay hindi ko gusto ang amoy alak sa hininga nya. Ngunit pinagbigyan ko na lang sya sa kasiyahan nya. Sa ganon man lang mapalubag ko ang loob nya.

Napabuntung hininga na lang ako.

"Matulog ka na Marco. Nakainom ka and worst pinupuyat mo pa ko." galit galitan kong sabi sa kanya.

" I'll sleep here." aniya na parang batang nakikiusap sa akin.

Magpoprotesta na sana ko ng muli ay magsalita sya.

"Aalis kaagad ako,bago pa man sila magising." pangako nya.

Sa klase pa lang ng titig nya sa akin ay kusa na lang akong napatango.

Ano pa nga bang magagawa ko,eh mahal ko, kaya pinabayaan ko na lang sya sa nais nya.

Habang nakahiga kami ng magkayakap ay panay ang haplos nya sa aking pisngi. Akala ko makakatulog ako sa ginagawa nya sakin, ngunit naramdaman ko na lang ang paghinto nya sa ginagawa at marinig ko na ang mahihina nyang hilik.

Mas nauna pa sya sa aking makatulog,dala siguro ng kalasingan at pagkastress.

Nang masiguro kong tulog na nga sya ay humarap ako sa kanya at binigyan sya ng mabining halik sa labi. Tinitigan ko lang sya hanggang sa dalawin na din ako ng antok.

~

Kinabukasan ay nagising akong wala na nga sya sa tabi ko.

Pagkababa ko ay tanging si Michico lang ang nabungaran ko habang nag-aalmusal.

"Hi ate Janna. Good morning." bati nya sa akin.

"Hi. Where's the other?"

"Sabi ni Dad may meeting daw sila with the investors sa bago nilang business. Kasama nya si kuya. Si tita Kara naman, siguro tulog pa." habang ngumunguya ay sagot nya.

Mukha rin naman namamadali syang makakain.

"You going somewhere?" tanong ko sa kanya habang paaupo.

Napangiti naman sya.

"Yeah. I'm going to meet my bestfriend."

Yung bestfriend nya na yon ay yung lagi nyang ka long distance call na nasa States.

Nag-umpisa na rin akong kumain ng magring ang phone ko.

Si Tita Paloma.

Nag excuse muna ako kay Michico at lumabas saglit para sagutin ang tawag.

"Hello Tita?" bungad ko.

"Hija uuwi na ang lola mo. Hinahanap ka nya. Dapat siguro umuwi ka na dito." bungad nya agad sa akin.

Napag-alaman ko kasi na nasa ibang bansa si lola. Kaya hiniling ko na magstay pa ng ilang araw dito, ngunit mapapaaga pa yata ang uwi nito kaya naman dapat ay naroon na ako bago pa man nito malaman na nagtagal pa ako dito. Usapan kasi namin ay dalawang linggo bago magpasukan ay dapat nakauwi na ako.

Matapos ang pag-uusap namin ni tita Paloma ay lulugo lugo akong bumalik upang ipagpatuloy ang pagkain.

Napansin naman ni Michico ang katamlayan ko.

"What's wrong ate?" curious at nag-aalalang tanong nito.

"Kaylangan ko ng umuwi." sagot ko sa kanya.

"Don't worry ate pwede ka pa naman bumalik balik dito." pagpapagaan nya ng loob ko.

I know naman that I'm always welcome here. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang pagiging magkalayo namin ni Marco, na tiyak ay ikahihirap na naman ng loob nito.

"You know what ate, excited na ako sa college life." pag-iiba ni Michico ng usapan.

Para siguro alisin ang lungkot ko.

Napatingin akong muli sa kanya ng magsalita sya. Oo nga pala at college na sya sa pasukan. At sa Manila din sya mag-aaral.

Hindi na namin namalayan ang oras sa aming pagkukwentuhan. About sa bestfriend nya at pagkasabik nya sa pagiging college.

Ang sabi nya kanina na magkikita sila ng bestfriend nya ay hindi na natuloy. Sa halip ay ito na lang ang pinapunta nya dito sa mansyon.

Habang naghihintay si Michico sa kanyang bisita ay nagpaalam na muna ako na aakyat ng kwarto para makapag-ayos na ng aking mga gamit. Bukas kasi ay kinakailangan ko ng bumalik ng Manila.

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon