Chapter Fifty Four

3.8K 51 6
                                    

54

===================

Nag-aayos na ako ng mga dadalhin kong damit at kung ano anong mga kailangan pa para dalhin sa outing ng maramdaman ko ang pagbukas ng pinto.

Nilingon ko ito at nakitang papasok si Riza buhat buhat ang isa sa kambal habang ang isa naman ay hawak hawak nito sa isang kamay.

Agad ko syang sinalubong ng mapansing tulog si Chloe, ang buhat buhat nya.

Kinuha ko ito sa kanya at inihiga na sa aking higaan. Binilin ko kasi sa kanyang sa kwarto ko ngayon matutulog ang kambal.

"Salamat Riza." sabi ko habang si Coleen naman ang hawak hawak ko.

Inilapit ko na din sya sa higaan habang inaayos ko pa ang hihigaan nya.

"Ok lang ate, pati nga pala yang si Coleen inaantok na." nakangiting aniya.

"Sige salamat ulit, ako na ang magpapatulog sa kanya." sabi ko sa kanya.

"Sige lalabas na ako ate." paalam nya.

Tinanguan ko naman sya.

Binalingan ko naman ang baby Coleen ko. Halata nga sa mata nyang antok na antok na sya. Pinahiga ko na sya sa higaan at tinabihan sila ng kambal nya.

Gusto ko sana syang basahan muna ng bedtime story kaso baka magising ang kakambal nya at magmuryot na naman.

Sinuklay suklay ko ng mga daliri ko ang buhok nya dahilan para makatulog kaagad sya.

Tinitigan ko sila habang natutulog. Bigla ang pagkaramdam ko ng lungkot ng maalala ko ang pag-uusap namin ng ama nila.

Naging makasarili nga ba ako?

Ni wala man lang silang nakilalang ama nila.

Nakaramdam naman na ako ng antok, pero bago ako matulog kaylangan ko pang tapusing ayusin ang mga dadalhin ko sa outing.

Bumangon na ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos.

***

Madaling araw pa lang nang magising na ako kinabukasan. Maaga kasi kaming magkikita kita para sa outing. Sinabi ni Andrei na sya na lang ang manunundo sa akin. Dumating na kasi sya the next day after ng pamamasyal namin ni mommy sa mall. Tuwang tuwa ang dalawang bata kahit na saglit lang na nagstay si Andrei sa bahay.

Maya maya lang ay nakarinig na ako ng pagbusina mula sa labas.

Agad na akong bumaba matapos kong halikan sa pisngi ang dalawang anghel ko. Nabilinan ko na rin ang maagang nagising din na si Riza.

Nang makasakay na sa kotse ay agad ko namang pinaalalahanan si Andrei. Sinabi ko kasi sa kanya na magpanggap kaming may relasyon nga kami. Una ay yun na kasi ang nasabi ko sa pamilya ko, na may relasyon kami. Pangalawa ay dahil gusto kong ipakita sa kanila na talagang nakarecover na ako sa nakaraan. Mas maganda na din kasi to para mas madali na sa amin ni Marco na mawala ang ilangan sa isa't isa.

"Do you think it is the best thing to do?" baling nya sa akin habang nagdadrive.

"Sandaling panahon lang naman tayong magpapanggap." sa halip ay sagot ko sa kanya.

"You're impossible." naiiling iling nyang sagot.

Alam kong mahirap para sa kanya yung hinihiling ko, alam ko kasi kung ano talaga ang nararamdaman nya para sa akin. Mahirap para sa kanya ito, lalo na't kunyari lang ang lahat, hindi totoo. At alam kong masakit sa parte nya yun.

"Andrei, please do understand me. Kahit ngayon lang." sabi ko sa kanya sa tonong nagmamakaawa.

"Ano pa bang magagawa ko? Alam mo naman na para sayo nanginginig pa!" aniya na nakangiti, ngunit batid kong sa likod ng ngiti na yun ay may lungkot.

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon