Chapter Forty Two

3.6K 49 6
                                    

42

===================

Ilang araw na naman akong tulala at hindi na nakakapasok sa eskwela.

Ilang araw na akong sinusubukang bisitahin ni mommy para makapagpaliwanag,ngunit hindi ko sya magawang harapin pa.

Masyado pang pagod ang isip ko. Masyadong madaming nangyari. At hindi ko napaghandaan ang lahat nang ito.

Masyado na ding nag-aalala sa akin sina lola at tita,ngunit wala din silang magawa. Maging si Casey ay hindi ako makausap ng matino,ngunit alam ko namang naiintindihan nya ako.

Andito ako ngayon sa banyo at nakababad ang katawan sa bathtub. Araw araw akong ganito,laging babad sa tubig. Baka sakali sa ganitong paraan ay mabura lahat ng mga hinanakit ko. Hindi ko din alam kung ano ng mararamdaman ko sa sarili ko.

Marco is my brother.

That is the reality, and I need to face it.

Nais kong mabura ang lahat ng mga haplos,halik at ang madalas naming naging pag-iisa noon.

Until now,I can't believe that I had sex with my brother.

Until now,I can't believe that the man who broke my heart is my brother.

Mababaliw na siguro ako.

Ngunit bigla ay napaisip ako.

Bakit ngayon lang lumabas ang mga rebelasyon na ito?

Nalaman ba ni mommy na magkasintahan kami ni Marco kaya nya sinabi sa akin lahat ng ito?

Sa sobrang pagkabigla at hindi pagkapaniwala ko sa mga nangyari ay hindi ko na kasi nagawa pang hayaang makapagpaliwanag pa si mommy.

Matapos nyang isiwalat sa akin ang mga yon ay kaagad na kasi akong nag-aya ng umuwi sa driver.

Kung hindi ba naging kami ni Marco ay malalaman ko ba ang lahat ng ito?

***

Pagkagising ko kinabukasan,hindi ko malaman kung bakit ang sama ng pakiramdam ko. Parang tamad na tamad ako. Hindi naman ako nagugutom dahil kahit naman punong puno ako ng mga iniisip ay hindi naman ako nagpapabaya sa pagkain.

Ilang araw na din akong ganito ang pakiramdam.

Matapos kong makapag-ayos na ng sarili ay bumaba na ako. Nakakasawa din kasing lagi na lang nagmumukmok.

Ang sarap ng pakiramdam na makalanghap muli ng sariwang hangin. Ngayon lang kasi ako muling makakalabas ng bahay.

Naisipan kong tawagan si Casey,at magkikita kami ngayon.

Ngunit pababa pa lang ako ng hagdan ng makarinig ako ng mahinang pag-uusap.

Si Tita at si Mommy?

Nakita na nila ako kaya naman nagpatuloy na din ako sa pagbaba.

Kaylangan ko na din kasing maliwanagan sa lahat lahat ng nangyayari.

Naiiyak na tumayo si mommy sa pagkakaupo at sinalubong ako ng yakap.

"Sweetie,I'm so sorry." aniya sa pagitan ng pag-iyak.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at humalukipkip habang nakatingin din sa kanya.

"Sabihin nyo na po kung anong sasabihin nyo,may lakad pa ako." walang gana kong tugon sa kanya.

Nakita ko naman na napapailing si Tita, at si mommy naman ay parang natigilan.

Nang hindi na ako makatiis sa pagtitig nya ay lumayo na ako sa kanya at umupo sa pang-isahang sofa.

"Maiwan ko na muna kayo." basag ni tita sa katahimikan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now