Chapter Twenty Four

5.2K 76 5
                                    

24

==================

So ayun na nga dumating na ang kinagabihan ngunit wala parin akong natatanggap na kahit txt man lang galing kay Marco. Natapos na ako't lahat sa mga ginagawa ko ay wala talaga.

Nakasimangot akong pumanaog na upang maghapunan. Kanina kasi saktong katatapos ko sa mga isinusulat ko ay tinawag ako ng isang kasambahay para maghapunan na.

Naabutan ko si lola at tita Paloma na tahimik na nag-uusap. Napahinto naman agad sila ng mapansin nila ako.

"Oh hija bakit nakasimangot ka? " tanong sa akin ni lola ng tuluyan na akong makalapit sa kanila.

Hinalikan ko muna sa pisngi si lola bago tuluyang umupo sa may upuan sa gilid nya.

"Wala naman po lola. Napagod lang po ako." pagsisinungaling ko sa kanya.

Si tita Paloma naman ay tahimik lang na kumakain. Nag umpisa narin ako sa pagkain ng muli ay magsalita si lola.

"Siyanga pala hija kamusta ang araw mo ngayon. " tanong nya.

"Ok naman po lola,wala pa naman kami masyadong ginagawa. " sagot ko sa kanya.

"By the way, nabanggit mo na ba sa kanya Paloma yung pag-alis natin sa isang araw? " baling nya kay tita Paloma.

"Nabanggit ko na po ma." Sagot ni tita na sumulyap lang sa amin saglit at nagpatuloy na sa pagkain.

"So, hija kaya mo bang mag-isa dito sa bahay? " tanong nya sakin.

Sa totoo lang ito ang sakaling kauna-unahang pagkakataon na iiwan nila akong mag-isa dito sa bahay. Hindi naman kasi sila nag a- out of town na magkasama noon. Kung aalis si lola, sya lang. At kung aalis si tita, sya lang din. Hindi sila umaalis na sabay.

"Ok naman po lola,kaya ko naman na ang sarili ko. " nakangiti kong sagot sa kanya.

Wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin kung iiwan muna nila ako, isa pa kasama ko naman ang mga katulong.

"Mabuti naman kung ganon hija. " nakangiti nyang sabi sa akin.

Nagtataka na talaga ako sa mga nangyayari at ikinikilos nila ni tita Paloma. Mapapansin ang pagkalungkot at pananahimik ngayong masyado ni tita Paloma, samantalang si lola ay masyadong mabait ngayon. Dati rati kasi ay walang ginawa ito kundi busisiin ang lahat ng ginagawa ko. Napaka istrikta din nito, kaya naman ngayon ay naninibago ako.

Natapos ang hapunan ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na sa aking silid upang magpahinga. Hindi ko narin kasi masyado naiintindihan ang mga pinag-uusapan nila,dahil puro negosyo na lang ang topic nila.

Ng makarating na ako sa aking silid ay muli kong tinignan ang aking cellphone. Kaya naman muli din akong nadismaya ng walang makitang text o tawag mula kay Marco.

Ano na kayang ginagawa nya?

Bakit hindi man lang nya akong maalalang tawagan o itext man lang?

Ayokong mag-isip ng mga negative na bagay, kaya naman ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro.

Maya-maya lang ay dinalaw na ako ng antok, kaya naman ay naisipan ko ng matulog.

~

Kinabukasan ay maaga pa akong gumising dahil maaga pa ang pasok ko, full load din ako ngayon kaya naman hindi ko maiisip masyado si Marco. Paggising ko kasi kaninang umaga ay agad kong tinignan ang aking cellphone,ngunit talagang hindi nya parin nya naaalalang magparamdam.

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon