Chapter Ten

8.3K 95 9
                                    

10


=================

-Marco's POV-

"Hey dude,buhay ka pa pala?" Tumatawang bati sakin ni Jerome, isa sa mga matalik kong kaibigan.

Kadarating ko lang at parang gulat na gulat sila na makita ko.

Since last year kasi ng iuwi na sa rancho ni dad si tita Kara ay hindi na ako masyado sumasama at nagpapakita sa kanila. Hindi naman sa ayoko kay tita Kara pero pakiramdam ko kasi ay madadamayan ko si mommy sa pagtuon ng pansin sa mga alaalang naiwan nito. Isa na nga rito ang rancho, mga nagtatrabaho at nakatira dito. Kaya naman nawalan na ako ng oras para makipag goodtime sa mga barkada ko.

Matapos kaming magbatian sa isa't isa ay nagpatuloy kami sa pag iinuman.

Si Jerome na syang unang bumati sakin kanina, si Simon at ang birthday celebrant na si Cedric ay nasa kabilang side ng table. Samantalang kami nina Brix at Uno ay magkakatabi.

Maya maya ay nagpaalam muna sa amin si Cedric para daluhan ang iba pa nyang kaibigan at bisita. Nakita kong papalapit sya sa dalawang babaeng mukhang kadarating lang. Malayo pa lang ay pamilyar na sa akin ang mga ito. Hindi ako nagkakamali si Janna at ang pinsan nya ang kasa-kasama nya.

"Holy shit!" napatingin naman ako kay Uno ng magsalita ito. Nabatid kong nakatingin din pala ito sa gawi ng magpinsan.

"Chika babes mga bro." si Simon na umaarteng napatulala pa habang nakahawak sa may dibdib.

"Tangn*ng Cedric yan hindi man lang ipakilala satin." Bigla ay singit.din ni Jerome.

Si Brix naman ay pailing iling lang sa mga kaibigan habang patuloy lang sa pag-inom ng alak.

Lahat sila ay nakatitig lang kung saan naroon ang dalawa kasama si Cedric.

Kanina bago ako umalis ng bahay ay nakita ko pang dumating ang pinsan nya. Pinatuloy na sya ni tita Kara sa silid ni Janna at nagtagal doon. Hindi ko naman alam na aalis pala sila.

Maya maya ay may lalaking lumapit kay Janna. Napadiretso ako sa pagkakaupo ko at hindi ko na inalis ang tingin sa kanila. Lalo na kay Janna, she look so stunning and beatiful tonight. Mapapansin na halos lahat ng kalalakihan ay nakatingin ng may paghanga sa kanya.

Napahinga ako ng maluwag ng yayain na sya ng pinsan nya sa isang table at lumayo sila sa lalaking yon. Ngunit saglit lang ulit dahil maya maya ay may lumapit na namang lalaki sa kanya at nakita kong papalapit sila sa kung saan may mga nagsasayaw din. Isinayaw sya ng lalaki at pakiramdam ko ay bigla naman akong nawala sa mood sa mga oras na ito.

========================

Janna's POV

"Hey Ionna?" napalingon ako sa nagsalita. Its him.

Miguel.

"Hi!" walang ganang bati ko sa kanya.

"You look great tonight." sabi nya habang titig na titig sa akin.

Sa totoo lang wala akong ganang kausap sya.

Asaan na ba kasi si Casey?

"Thanks." maikling sagot ko lang sa kanya.

"Have a date?" tanong nya pa.

"No, But I'm with Casey." sagot ko sa kanya.

"Oh I see,parehas pala tayo. So, is it ok to have a dance with you?" sa totoo lang nakukulitan na ako sa kanya at gusto ko na syang umalis sa harapan ko.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now