Chapter Thirty Seven

4K 66 10
                                    

37

=====================

Pagkalabas ko ng building ay panay lang ang lakad ko.

Saan ako pupunta?

Maging ako ay hindi ko alam, ang alam ko lang ay kung saan ako dalhin ng mga paa ko ay doon ako.

Hindi ko mapigilan ang pag-alpas ng mga luha ko sa mata.

Napakasakit sa akin na malaman na wala na nga talagang pag-asa.

For him,having an affair with stepsister is just a game? A challenge?

Dahil mahirap ang sitwasyong pinasok namin, sa kanya ay isang laro lang yon na sinubok nya lang kung anong pakiramdam.

Ngayon, ngayon na handa ko na syang ipaglaban ay hindi na sya nasisiyahan dahil para sa kanya wala ng thrill kung wala ng mga pagsubok.

Ang tanga ko naman na hindi naisip yon.

At dahil sumali ako sa gusto nyang laro, ngayon sino ang talunan?

Namalayan ko na lang na nasa isang park na pala ako. Nagdiretso ako sa may isang gilid doon na wala masyadong tao.

Naupo ako sa isang swing, at doon ibinuhos kong lahat ng mga luha kong nais pang kumawala.

Ninais ko na ding ilabas lahat ng ito nang sa ganoon ay lumuwag luwag ang dibdib ko.

Maya-maya ay naramdaman kong may tao sa harapan ko.

Nag-aalangan man akong tignan dahil basang basa ng luha ang mukha ko ay sinino ko pa din kung sino ito.

Ang nakangiting mukha ni Jake ang bumungad sa akin,habang inaabot ang isang puting panyo.

Hindi ko magawang makapagsalita. Gusto kong yumakap sa kanya at umiyak sa mga balikat nya.

At dahil hindi parin ako tumitinag at nakatingin lang sa kanya,sya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko.

Yumuko ako at impit lang akong umiiyak habang ginagawa nya yon. Para akong bata na gustong isumbong ang batang nang away sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, umupo sya sa isang swing.

"Isang linggo lang akong nawala, ang dami na ng nangyari." panimula nya.

Tahimik lang ako,hindi ko sya pinapansin.

"Tara?" aya nya sa akin at namalayan kong nakatayo na pala syang muli sa harapan ko habang nakpamulsa ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

Tinignan ko sya na nagtatanong.

"Balikan natin yung unggoy at bubugbugin ko." aniya ng nakangisi.

Hindi ko pa rin sya pinansin.

"Tara na pretty, pinagtitinginan ka na ng mga tao oh." aniya habang nginunguso pa yung mga taong nagdadaan.

Kanina naman kasi walang masyadong tao.

"Iwan mo na lang ako." asik ko sa kanya.

Narinig kong muli ang pag buntonghininga nya.

Bakit ba kasi andito ito? Paano nya nalamang andito ako?

"Sasama ka ba sa akin o sasama ka ba sa akin?" tanong nyang muli.

Naguluhan naman ako sa tanong nya.

"Hindi ako sasama sayo iwan mo na ako!" sigaw ko sa kanya na parang maiiyak na naman.

"He is not the only man in the world Janna,don't waste your time to cried for the man who doesn't deserve it." aniya.

"Maybe you are not meant for each other."

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon