Chapter Eight

10.2K 91 3
                                    

8

====================

Nakatitig lang ako sa kanya habang unti unti nyang ibinababa ang kanyang brief. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang harapan na alam kong saglit lang ay may bubulaga sa akin.

Ngunit bago mangyari yon ay naistorbo ako ng ingay na nagmumula sa aking cellphone.

Kringgggggg.......
Krinnnnngggggggg....

Nagising ako na pawis na pawis. Umaga na pala at nabibilad na ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha mula sa bintana ng aking silid. Bigla akong napabangon at sinuri ang sarili ko. Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng malamang panaginip lang pala ang lahat ng yun.

Hindi parin ako nakakarecover sa aking panaginip ng muli ay tumunog ang aking cellphone na nakapatong lang sa side table malapit sa aking higaan.

Casey is calling.....

"Hello." tinatamad na sagot ko.

"Goodmorning couz, mukhang napasarap tulog mo ah- kanina pa ako tumatawag sayo ngayon mo lang sinagot." aniya sa kabilang linya.

(Istorbo ka! Ang ganda ganda ng panaginip ko ginising mo ko. I'm going to make love with Marco na pero sinira mo ang moment ko!!!! ) pero syempre sa isip ko lang yan at di na sinabi pa sa kanya.

"Bakit napatawag ka?" iritable kong tanong sa kanya.

"Oh- chillax couz I just want to tell you lang na nagdropped by ako dyan kanina kaso tulog kapa so, iniwan ko nalang doon sa magandang babae na nasa labas ng house yung damit na isusuot mo para mamaya." mahabang paliwanag nito.

"Anong damit? Madami akong damit dito hindi mo na ako kaylangang pahiramin." sabi ko sa kanya.

"Anong damit couz? Hahaha yung long sleeves na blouse with a long skirt? Hahaha don't get offended couz ha pero bar ang pupuntahan natin mamaya hindi tayo magsisimba." sabi nito na tumatawa.

I feel more irritated dahil sa mga pinagsasasabi nya.

Magsasalita na sana ako ng inunahan nya ko.

"Basta couz suot mo na yun bago ako dumating dyan mamaya ha?"

Magsasalita pa sana ulit ako ng magsalita na naman sya

"By the way couz- peace!" sabay off na nya ng phone.

Ha,at talagang hindi na nya ako binigyan pa ng pagkakataong magsalita!?

Gigil na gigil akong bumaba na ng aking higaan at nagtuloy sa banyo. Pagkasarado ko ng pinto ay napasandal ako sa likod nito at hinawakan ang mga labi ko. Tama ba ang nararamdaman ko. Bakit parang naghihinayang ako na panaginip lang pala ang lahat ng yun? Napapikit na lang ako bigla at unti unting naglakbay ang mga kamay ko sa mga parte ng katawan kong hinaplos ni Marco sa aking panaginip . Ngunit bago pa ako makagawa ng kung ano ay naituwid ko na ang pag-iisip ko at ako na mismo ang nahiya sa sarili ko. Naligo na ako at nagready para lumabas na ng aking silid.

~

Pababa na ako ng hagdan ng maisip ko kung sino ba yung sinasabi ni Casey na magandang babae na pinag-abutan nya ng damit. Naalala ko si Marien, oh well maganda naman talaga sya pero ayoko sa kanya. But wait, don't tell me na ganito kaaga eh andito na sya sa mansyon? O baka naman dito kaya natulog?

Katabi ni Marco?

Kung ano-ano na ang naiisip ko ng maya-maya pagkababa ko ay syang paglabas naman ni Michico galing sa kusina.

Nakauwi na pala siya galing sa outing nilang magkakaibigan.

Nginitian ko sya habang papalapit ako sa kanya.

"Hi ate Janna, your cousin was here earlier pinabibigay nya ito sayo, pilitin ko daw na isuot mo for what ba yan?" tanong nito habang inaabot sa akin yung paper bag na naalala kong daladala ni Casey yesterday.

So, sya pala ang tinutukoy ng aking pinsan. Buti na lang at hindi yung Marien na yun. Dahil malamang maghapon na naman akong wala sa mood malaman ko lang na magdamag syang nagstay dito.

" Ah this- wala ito. Isuot ko daw mamaya.. But I think I dont need this though." kibit balikat kong sagot sa kanya at kinuha sa kanya ang paper bag.

Tumango tango naman sya, nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang dining area.

"By the way I have something for you nga pala. Look, beautiful isn't it?" kinuha nya ang kamay ko at isinuot sa wrist ko ang isang bracelet. May iba't-ibang klaseng pearl and diamonds ito at ang pinakalock nya ay isang heart at isang susi.

"Wow thank you!" sabi ko sa kanya habang tinitignan kong mabuti sa wrist ko yung bracelet.

"like it?" tanong nya pa ng nakangiti.

"No, I love it! " sagot ko sa kanya, sobrang touch naman ako kasi naisipan nya pa akong bilan ng pasalubong.

"Si kuya sana ang bibilan ko ng pasalubong pero naisip ko wag na, ikaw na lang." bulong nya sakin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Silly" napapailing na sabi ko sa kanya.

"So how's the outing mukhang nag enjoy ka masyado. Kala namin dika na uuwi." biro ko sa kanya nang makaupo na kami para magbreakfast.

"It can wait Mich ,magbreakfast na muna kayo."

Sabay kaming napalingon ni Michico sa nagsalita.Si Marco at pababa na pala sya ng hindi namin namamalayan. Bagong ligo ito at fresh na fresh ang itsura. Kusa namang namula ang mukha ko ng maalala ang panaginip ko kani kanina lang.

I saw Michico rolled her eyes ng makalapit sa amin ang kuya nya. Tumayo lang sya sa may tabi ng kapatid nya.

"Kumain na muna kayo, malamang sa haba ng ikukwento mo baka hindi na kayo makakaing mabuti." at ginulo nya pa ang buhok ng kapatid habang tumatawa.

Aba maganda yata ang gising nya. Ngayon ko pa lang kasi sya nakitang ganito kasaya at todo ngiti pa.

Dahil ba magkasama sila ni Marien kahapon?

"Kuya!" pinandilatan naman sya ng kapatid nya habang inaayos ang buhok na nagulo.

"Oh gising na pala kayo. Sabay sabay na tayong mag-almusal." si mommy kasabay si tito Martin at galing yata sila sa labas.

"Pass ako tita Kara tapos na ako MAG-ALMUSAL." he looked at me and I saw him smirked.

Napatango lang naman si mommy at tito Martin,at nagpaalam saglit na pupunta ng dirty kitchen upang makapaghugas at magpahanda na din ng almusal sa hapag.

Si michico naman ay panay pa din ang pag-aayos sa buhok habang nakasimangot. Kinukulit pa din kasi sya ng kuya nya.

At ako, napakunot noo naman ako sa sinabi nyang nag-almusal na sya.

Saan naman sya nag-almusal?

Nakaalis na ba sya at bumalik lang?

Magkasama ba sila ng babaeng iyon?

Hay andami kong tanong sa isip ko.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng marinig syang nagpapaalam ng aalis. Kumotra naman ang isip ko,ngunit natural hindi ko pwedeng isatinig yon.

Bago sya tumalikod ay nahuli ko pang kumindat sya sakin habang nakangiti. Teka namalikmata lang ba ako? Inulit ulit ko pang pumikit at dumilat ngunit nakatalikod na sya at papalabas na ng kabahayan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now