Chapter Twenty Eight

5K 54 4
                                    

28

=========================

Magdidilim na ng makauwi ako ng bahay ay napansin ko si tita Paloma na may kausap sa telepono, agad naman na syang nagpaalam sa kausap ng makita ako. Napansin ko ang pagkamugto ng kanyang mga mata. Nagtaka naman ako kaya tinanong ko sya.

"Tita, are you ok? "

Ngumiti lang sya sa akin at tumango. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Naguguluhan man ay tinugon ko ang yakap nya.

Maya maya ay tumingin sya sa akin.

"Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng lola mo ha? " aniya habang nakahawak sya sa magkabilaang pisngi ko.

"Something wrong tita? Simula ng bumalik ako, I noticed that,something weird about you and lola. May problema po ba?" Tanong ko sa kanya na naguguluhan.

"No, nothing hija. Gusto lang naming malaman mo na mahal na mahal ka namin ng lola mo. " Napapailing na sagot nya.

"No tita, I know there's something behind this. You cried. Ano ba talagang problema? " ramdam ko na may itinatago sila sa akin.

Lumayo ako sa kanya at tumayo lang din hindi kalayuan sa kanya. At humalukipkip. Magkasalubong ngayon ang mga kilay ko habang naghahantay ng sagot nya.

Malungkot lang syang nakatitig sa akin.

Maya maya naman ay nakarinig kami ng ingay sa itaas. Sabay kaming napalingon sa gawi ng ingay at sabay din kaming nagtitigang muli na parehas na nanlalaki ng mata.

Agad kaming umakyat sa itaas upang alamin kung ano yun.

Si tita ay una nyang pinuntahan ang silid ni lola. Ganun na lang ang pagkagimbal namin ng makita si lolang parang nahihirapan habang nakahiga sa may lapag. Nagkalat ang mga basag na bubog na mula sa lampshade.

"Lola!"

"Mama!"

Nagtatakbong dinaluhan ni tita si lola.

Sa sobrang pagkagimbal ko sa nakikita ay hindi ko na malaman ang gagawin ko.

"Mama, call an ambulance. " sigaw sa akin ni tita.

Ako naman ay agad na tumalima at nagdiretso sa may bedside table ni lola kung saan may linya din ng telepono.

~

Andito kami ngayon sa ospital kung saan dinala si lola.

Napag-alaman ko na may sakit pala sya, kaya naman lagi silang wala ni tita ay upang magpagamot sa ibang bansa. Napilitan na ring aminin sa akin ni tita.

Ang ipinagtataka ko, bakit kaylangan pa nilang itago?

Cardiac Sarcoidosis yan ang narinig kong dahilan ng pagkabagsak nya kanina. Bihira lang daw itong sakit na ito at may posibilidad na lumala kung hindi maagapan. Isa itong uri ng sakit na malaki ang epekto sa puso ng tao.

Andito ako ngayon sa labas kung asaan ang kwartong inookupa ni lola. Si tita naman ay kausap ang doctor.

Maya maya ay lumapit sa akin si tita. Hindi pa kasi kami pwedeng pumasok sa silid ni lola dahil binilin ng doktor. Hayaan daw muna syang makapagpahinga.

"Tita,kamusta si lola? " tanong ko kay tita.

"Ok na sya hija, it's a mild stroke. Babalik kami sa America tomorrow for operation." Aniya na hindi tumitingin sa akin.

"Bakit kailangan nyo pang itago sakin to? " tanong ko sa kanya na may paghihinanakit.

"Please Janna, this is not a right time to talk about that. Tinawagan ko na si manong,in a minute andito na sya. Umuwi ka na muna. May pasok ka pa bukas. " aniya habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa pader.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now