Chapter Nineteen

6.3K 67 1
                                    

19

===================

Habang magkakaharap kaming lahat para mag dinner ay hindi ko malaman kung mabubwisit ako o ano sa mga titig na ibinibigay sa akin ng mayabang na lalaki.

Inirapan ko sya habang walang nakakakita.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya na mapang asar.

Habang abala sa pag uusap ang mga nakatatanda si Michico naman ay wala ring humpay sa pakikipagkwentuhan kay Jake. Halata na malapit sila sa isa't isa. Si Marco naman ay tahimik lang na parang nag oobserba. Manaka naka ay kinakausap din ako ng dalawa ganun din si Marco ngunit tango at iling lang ang mga isinasagot nito.

Nang matapos ang hapunan ay nagpasya kaming bumalik sa may terrace sa may likuran naman ng mansyon. Ang mga nakatatanda ay panay parin negosyo ang pinag uusapan. Samantalang nag aya naman si Michico sa may pool side. Naiwan ang aming mga magulang.

"So Marco what do you think about their plans?" ani Jake ng makaupo na kami pare parehas.

Bilog ang lamesang gamit namin. Sa pagitan ako nina Marco at Michico.

"Nah! Kaya nga ako nag aya dito at lumayo muna sa kanila dahil puro business ang pinag uusapan. Tapos ngayon yan parin ang topic?" iritableng sabi ni Michico.

"hahaha you are such a brat Mich." natatawang sabi sa kanya ni Jake.

"No, I'm not." nakatawa ng sabi ni Michico.

"Well ok as you said." iiling iling at nagkibit balikat lang na sagot sa kanya ni Jake.

"So, lets start with you Janna. Do you have a boyfriend?"

Bigla ay napatingin ako sa tanong na iyon ni Jake. Halatado naman na gusto lang nyang makakuha ng impormasyon sa akin.Wala din sa loob ko na tumingin ako kay Marco na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Wala pa yan sa isip nya kuya Jake." mabuti na lang at si Michico na ang sumagot sa tanong nya na yon.

"Oh really. Bakit naman?" tanong nito.

"I'm still studying. And I want to focus there only." diretso kong sagot sa kanya.

Si Marco ganun pa din na parang hindi namin kasama sa sobrang tahimik nito.

"Whoa.. That's -- yah, well what can I say. I mean meron pa palang ganyan sa panahon ngayon. "

Disappoinment?

O amusement?

Yan ngayon ang nakikita kong ekspresyon sa mukha ni Jake.

"Why dont just bring the topic to you? how bout you and Kaye. Are you still together?" sa wakas ay nagsalita din si Marco.

"Oh that woman! We broke up last month." ani Jake na parang baliwala lang naman ang tanong sa kanya.

"So tama pala ang mga nababalitaan ko. Your back to being a player again." ani Marco. Then he smirked.

Nakita ko naman na napapailing lang ang kanyang pinsan.

"And since when you become interested in rumors kuya?" nakataas ang kilay na tanong ni Michico.

Nakita ko naman na tinignan lang sya ng masama ng kanyang kuya. Naalala ko na naman ang sagutan ng dalawa kanina.

Napagpasyahan namin na magkwentuhan na lang ng kung ano anong bagay. Parang wala lang nangyari. Though wala naman talagang nangyari may mga topic lang talaga na awkward at dapat iwasan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now