Chapter Fifty Six

10.8K 171 151
                                    

56

================

Habang naglalakad kami sa gilid ng dalampasigan ay panay pa rin ang inom ni Andrei sa dala dala nyang bote ng alak.

"Oh akala ko ba tinamaan ka na sa konting nainom mo kanina, e bakit panay parin ang tungga mo dyan sa alak?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Para lumakas ang loob, I guess?"

"For what?"

Natahimik naman sya. Patuloy pa din kami sa paglalakad hanggang sa mapunta kami sa mabatong lugar.

Naupo kami sa isang malaking bato at doon tahimik lang naming pinanood ang bawat hampas ng alon sa mga batong hindi kalayuan sa amin.

"Hindi ka ba nahihirapan?" basag nya sa katahimikan.

"Nahihirapan saan?" taka ko syang nilingon.

Sya naman ay diretso pa din ang tingin.

"You know what I mean."

"Well honestly yeah, nahihirapan ako. Pero ang iniisip ko na lang panandalian lang naman ito dahil babalik din naman agad ako sa France." mahinang sagot ko sa kanya.

"Ibig mong sabihin apektado ka pa ngang talaga, gayong alam mo naman na hindi naman na dapat?"

"Oo alam kong mali, pero masisisi mo ba'ko? Ewan ko, but all these years hindi pa din magsink in sa akin yung realidad na magkapatid kami. I know it sounds weird dahil sina mom and dad na ang nagsabi, pero ewan ko ba. Hindi matanggap ng sistema ko e. Akala ko ok na ako, pero nang magkita ulit kami nagkandalito lito na naman ang isip ko." pag-amin ko sa kanya.

Sya naman ay sinunod sunod na ang lagok ng kanyang inuming alak at tsaka tumayo at lumayo lang ng konti sa akin.

"Papano kung hindi pala kayo magkapatid?" tanong nya habang nakatalikod pa din sa akin.

Naiiling naman ako habang natatawa sa tanong nya.

"No, it can't be---"

"Kung sakali lang naman." putol nya sa sasabihin ko.

"Well,ewan ko. Siguro wala na rin namang magbabago. May Lanie na sya and they are getting married, two weeks from now."

"Hindi mo ba ipapakilala sa kanya yung kambal?"

"Alam mo Andrei, kung saan saan lang napupunta tong usapan natin eh. Yan ba yung sinasabi mong nagpapalakas ka ng loob, para sa mga what if's mo?" natatawa ko ng sabi sa kanya.

Nang maalala ko naman ang kambal ay agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

Nais ko sanang tawagan sila ngunit nang makita kong mag na-nine na ng gabi ay dismayado kong ibinalik na lang muli ito sa aking bulsa. Ganitong oras kasi ay tulog na ang mga ito.

"Ja, I still have one more what if... But I'm not sure kung magugustuhan mong marinig ito."

Napalingon naman akong muli kay Andrei. Sa pagkakataong ito ay nakaharap na sya sa'kin at nakatitig ng mataman.

"Then tell me, ano yun?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"But promise me first, na magiging ok pa din tayo once na marinig mo yun."

Tahimik lang akong tumango habang nakatitig lang din sa kanya.

"What if.. Totohanin na lang natin ang pagpapanggap na tayo?" atubili nyang sabi.

Saglit akong natahimik. Nag-iba ako ng tingin, hindi ako makatingin sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Hindi mo naman kailangang magdesisyon ngayon, and hindi din naman ako nananamantala dahil sa pagpapanggap natin. Ang sa akin lang mas makakabuti kasi kung subukan mong pakawalan na sya sa isip at dyan sa puso mo. Hangga't hindi ka kasi nakakalaya sa nakaraan nyo patuloy ka lang mahihirapan. Andyan pa din ang awkwardness between the two of you, even that you both know that you are siblings."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now