Chapter Thirty Nine

3.6K 56 3
                                    

39

=====================

Tulala lang akong nakatitig sa kawalan nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Michico at si Lailanie.

Gulat na gulat at may pagtataka silang inilibot ang tingin sa paligid. Gulo gulo ang mga gamit at ang iba ay nabasag pa.

"What happened kuya?" tanong sa akin ni Michico na may pag-aalala.

Hindi ako kumibo at patuloy lang na nanahimik.

Alam ko kahit hindi ko tignan ay sinusuri ako ngayon nang tingin ni Lailanie.

Alam nya ang buong katotohanan nang tungkol sa amin ni Janna. Sinabi ko sa kanyang lahat. Sya ang kababata ko at malapit na kaibigan. Kakauwi nya lang noong nakita kami ni Janna na naghaharutan. Hindi nagkataon yon,dahil sinadya talaga naming ipakita sa kanya yon.

Flashback

Mula sa kusina ay narinig kong may kumakatok.

"Ikaw pala, hindi ko alam na inimbita ka din pala ni Marco."

Dinig kong sabi ni Jerome.

Sumilip ako at sinadyang hindi magpakita.

Nakita ko namang papasok na sya kaya bumalik ako sa kusina at kinausap si Lailanie.

"Andyan sya." sabi ko sa kanya na kinakabahan.

"Relax ok? Sya ba yung dumating?" tanong nya habang prenteng inaayos ang kanyang mga ginawang pulutan.

"Act normal ok? Sundin mo na lang ang mga sasabihin ko sayo." aniya na may panunutil na mga ngiti.

Maya maya ay namalayan ko na lang na habang papalabas kami ay sinadya naming ipakita na sobrang sweet namin. Sa totoo lang ay tinutukso kami nang barkada sa isa't isa. Hindi pa naman kasi nila alam ang tungkol sa amin ni Janna. Kaya hindi kami nahirapang gawin yon.

"Hoy tama na yang PDA nyo, start na natin to alak na alak na ako."

Napatingin naman kami sa gawi nila nang bigla kaming sigawan ni Uno.

Sakto naman na nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya. Gusto ko na sanang itigil na ang palabas. Ngunit basta na lang ako napako sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa kanya. Nakita kong naiiyak na sya. At sobrang sakit sa akin noon. Para akong sinaksak na ilang libong beses sa nakikita kong sama ng loob  sa mga mata nya.

Tumayo sya at nagtatakbong palabas.

Gusto ko syang habulin.

Gusto ko syang yakapin.

Ngunit paulit ulit na naghuhumiyaw ang katotohanang hindi namin pwedeng ipagpatuloy pa ang nararamdaman namin sa isa't isa.

~

"Hoy kuya,kinakausap kita,ano bang nangyari bakit ng gulo gulo ng unit mo?" nabalik lang ako sa kasalukuyan nang halos sumigaw na sa harapan ko si Mich na nakapameywang pa.

Naalala ko na may lakad pala kami,kaya paalis na sana ako ng dumating si Janna.

~

Nasa isang fastfood restaurant kaming tatlo at mag-uumpisa na sanang kumain nang magawi ang paningin ko sa dalawang taong papasok ngayon sa kinakainan namin.

Bigla namang nagtama ang mga paningin namin,napansin kong parang may binulong sa kanya si Jake at papalabas na sana sila nang bigla naman silang nakita ni Mich at tinawag sila.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now