Chapter Forty Eight

3.5K 59 1
                                    

48

=============

Masaya kaming naghapunan,masyadong makukulit sina mom and dad,ako ang hiyang hiya kay Andrei. Minsan naman may mga pagkakataong nadudulas si Andrei sa pagkukwento at nababanggit nya ang mga kambal. Ngunit syempre agad din naman naming nalulusutan.

Masaya ako na nakasundo ni Andrei sina mom and dad. Kahit ngayon pa lang sila nagkaharap harap ay matagal ko naman na silang kinukwento sa isa't isa,kaya siguro ay madali nalang sa kanilang makapagpalagayan ng loob.

Mag-aalas diyes na ng gabi nang maisipan ni Andrei na magpaalam ng aalis. Kailangan pa nya kasing pumunta sa bar na pag-aari nya.

"I like him." nagulat naman akong napatingin kay mommy ng magsalita ito pagkasara ko ng pinto.

Kakaalis lang ni Andrei at inihatid ko sya hanggang sa elevator.

Napapailing naman akong tinabihan si mommy sa pagkakaupo sa couch.

"Mommy,kaibigan ko lang yung tao." sabi ko sa kanya habang pinaglilipat lipat ang channel ng TV.

"Sabi ko lang naman gusto ko sya,wala akong ibig sabihin." natatawa nyang sagot.

"May ibig kang sabihin dun mommy,at alam ko kung ano yun." nilingon ko sya habang sinasabi yun.

Napansin ko naman ang pagkalungkot sa mga mata nya kahit nakangiti sya.

"You know what sweetie,bakit hindi mo ulit subukang magmahal?" mahinang sabi nya.

Huminga naman ako ng malalim,tsaka sya hinarap ng tuluyan.

"Mommy, kusang nararamdaman ang pagmamahal. Hindi ko pwedeng utusan ang puso ko." natatawa kong sabi sa kanya.

"Per--"

Magsasalita pa sana sya pero inunahan ko na.

"Mommy please,wag na muna nating pag-usapan to ok?" sabi ko sa kanya at ibinalik ko ng muli ang atensyon ko sa panonood ng TV.

Alam kong nakatingin pa din sya sa akin kaya mas lalo kong itinuon ang atensyon ko sa TV,hindi naman naglaon at parehas na kaming nag eenjoy sa panunood ng TV. Comedy kasi ang palabas at talagang tawa kami ng tawa. Nakisali din si daddy sa panunuod after nyang tapusin ang mga ginagawa. Hanggang dito kasi sa France ay dala dala nya ang mga trabaho nya.

***

Kinabukasan ay namasyal kaming muli maghapon. Sa ilang araw na inilagi nila dito ay ganun lang lagi ang ginagawa namin. Minsan kasama namin si Andrei. Lagi ko din silang kasama sa tuwing pupuntahan ko ang mga shops ko. Miss na miss ko na ang mga anak ko. Tanging tawag na lang sa telepono ang ginagawa ko para makausap sila at marinig ko ang mga tinig nila.

Isang linggo na sila mommy dito at ito na din ang araw ng kanilang balik sa Pilipinas.

Bago sila mag check in ay muli nila akong binalingan. Hindi pa man sila nagsasalita ay alam ko na kung ano na naman ang sasabihin nila.

"Malapit ng magtapos si Mich,sana umuwi naman ako." sabi ko sa kanila. Alam kong yan ang sasabihin nila kaya bago pa man bumuka ang bibig nila ay inunahan ko na sila sa pagsasalita.

Sa bahay pa lang kasi ay panay na ang pangungulit nila sa aking sumama na sa kanila sa pag uwi sa Pilipinas.

"Anak, sana naman ngayon pagbigyan mo na kami ng mommy mo." malungkot na ani dad.

"Dad, don't worry. I'll think about it. Pumasok na kayo baka malate pa kayo sa flight nyo." sabi ko sa kanila para makaiwas na sa pangungulit nila.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now