Chapter Thirty Three

4.2K 60 6
                                    

33

======================

"Oi ano bang problema mo? Kanina pa ako salita nang salita dito, hindi ka naman pala nakikinig." mataray na sabi sa akin ni Casey.

Andito kami ulit ngayon sa dating tambayan,sa Cafeteria.

Isang linggo na mula nang umalis si Marco patungong San Andres, at isang linggo na din noong huling pag-uusap namin. Simula ng magtungo sya doon ay hindi na ako nakatanggap pa ng kahit anong text o tawag mula sa kanya.

Nalulungkot ako dahil miss na miss ko na talaga sya,ngunit minsan ay pinaglulubag ko din ang loob ko. Iniisip ko na baka abala lang syang muli sa kanilang negosyo,gaya ng mga nakaraang linggo.

"Ano pagmumukhain mo ba talaga akong tanga dito na dada nang dada, gayong wala naman palang nakikinig na kausap ko?"

Si Casey ulit na ngayon ay pakaway kaway pa malapit sa mukha ko, para lang mapansin sya.

Tinitigan ko naman sya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang wala na talaga ako sa sarili ko.

"Couz, ano ba talagang problema?" tanong na nya ngayon na may pag-aalala.

Para naman ako ngayong maluluha sa lungkot na nararamdaman.

Iba kasi ito sa dating hindi nya pagpaparamdam noon. Dati kasi ay talagang abala sya sa trabaho. Ngayon, ramdam ko na iniiwasan nya ako.

Minsan ng nagkausap kami ni Jake,tinawagan nya ako. Ang sabi nya nakainuman nya si Marco, na magpa-hanggang ngayon ay nasa San Andres pa din. Ramdam nya daw kahit hindi nagsasabi sa kanya si Marco, na may pinagdadaanan ito. Kaya naman ay tumawag sya sa akin para alamin kung may problema kami.

Lasing na lasing daw kasi ito ng gabing yon.

Tinatawagan ko din sya,ngunit laging busy tone lang ang naririnig ko, at minsan pa nga magriring ngunit agad ding mawawala. Kahit mga text ko ay hindi na nya sinasagot. Pakiramdam ko ay sadya nya akong iniiwasan.

Napabaling naman ang atensyon ko kay Casey ng bigla bigla syang tumayo at akayin na ako para umalis na kami sa lugar na yon.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya nang makalabas na kami ng Cafeteria. Hindi naman nya ako pinansin at kapwa tahimik lang kami ngayong naglalakad patungong parking lot ng University. May sarili kasi syang sasakyan at sya na din ang nagmamaneho.

Nang makapasok na kami ng kanyang sasakyan,akala ko ay paaandarin nya.

"Ngayon,ilabas mo nang lahat yan." seryoso nyang sabi habang matamang nakatingin sa akin.

Nagtataka naman akong napatingin ng diretso sa kanya.

"Kung gusto mong umiyak, umiyak ka! Walang ibang makakakita at magbabawal sayo." angil nya sa akin.

Tinitigan ko lang sya. Ngunit maya maya ay kusa nang nagbagsakan ang mga luha ko. Patuloy ang pagdaloy ng mga ito sa aking mukha,habang si Casey ay panay lang ang abot ng tissue sa akin. Tahimik lang akong umiiyak.

"Pag ok ka na,pwede ka namam na sigurong magsalita." ani Casey.

Pinapabayaan lang nya ako sa pag-iyak ko. Alam kong pinapagaan lang nya ang loob ko ngayon,ngunit mamaya alam kong hindi na nya ako tatantanan nang mga tanong nya.

Nang mabatid nya sigurong ok na ako ay nag-umpisa na syang magtanong.

"Kamusta na kayo ni Marco?" tanong
nya.

Nakatingin sya sa akin ngayon habang nakahalukipkip.

Batid kong parang maiiyak na naman ako marinig ko lang ang pangalan nya.

The Step Sibling's RomanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя