Chapter Twenty

7.3K 71 0
                                    

20

=============================

Umaga pa lang ay abala na ang lahat ng tao sa kasiyahan sa paligid ng rancho. Makikita ang ibat ibang palamuting nakasabit kung saan saan.. Kanya kanyang gawain. May naglilitson ng mga baboy at baka. May mga nanonood ng banda at exhibition ng mga nagsasayaw na babaeng may hawak na baston. Ang iba naman ay tumutulong sa pagluluto at iba pang gawain.

Ang sarap sa pakiramdam habang pinapanod ko ang kilos ng bawat isa. Ang sarap talagang mamuhay sa probinsya.

Gaganapin ang kasiyahan sa may malawak na harapan ng mansyon.

Kaninang paggising ko ay mabigat na mabigat ang pakiramdam ko sa kadahilanang alam kong hindi kami ok ni Marco. Ngunit gumaan kaagad yon ng mabungaran ko na umaga pa lang ay nagkakasayahan na ang mga tao.

Palakad lakad ako ng mapansin ko si Marien. Tumutulong sya sa mga nagsisipagluto. Sa labas kasi ng mansyon ay may mga nagsisipagluto din. Sa dami kasi ng iluluto ay hindi na magkakasya kung sa loob iluluto lahat.

Masaya sya habang tumutulong. Nakikita kong panaka naka ay nakikipagkwentuhan din sya sa mga tao doon.

Naisip ko na kung pwede din ba akong tumulong? Ginapangan kasi ako ng hiya ng mapag isip na palakad lakad lang ako samantalang ang lahat ay abala sa paggawa.

Si Marco asaan kaya?

Maya maya ay nagbalik ako papasok sa kabahayan. Nagdiretso ako sa kusina at nakitang abala si mommy sa paghihiwa ng ibat ibang klaseng gulay.

"Oh hi sweetie buti andyan ka. Can you helped me to chop the vegetables? Ihahanda ko lang ang gagawing dessert." hindi pa man ako nakakasagot ay nagpunas na sya ng kamay at hinila ako para ipagpatuloy ang ginagawa nya. Halatang aligagang aligaga sya.

Ako naman ay sa una'y hindi malaman ang gagawin. Ngunit ng tinignan ko ang mga natapos ng hiwain ni mommy na mga gulay. Naupo na ako at sinundan ko na lang kung ano ang hiwa at laki ng mga ito.

Abala ako at nawiwili na sa paghihiwa ng mga gulay ng maya maya ay pumasok sa kusina si Marco kasama si Marien. Agad akong nag iwas ng tingin.

"Hi Janna." nag aatubiling bati sa akin ni Marien.

Naalala yung huling pagkakausap namin,kaya siguro ngayon ay nag-aatunbili sya.

"Hi. " maikling sagot ko lang at ibinalik ng muli ang atensyon sa ginagawa. Si Marco ay tahimik lang na nakatayo malapit sa kanya.

Nakita ko mula sa gilid ng aking mata parang lumapit sila sa refrigerator. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tuluyan ng mapatingin. Pagbaling ko ay kapwa may hawak na sila. Si Marco ay isang pitsel na malamig na tubig at dalawang baso at si Marien ay apat na baso.

Nagtataka man kung bakit anim na baso ang dala nila ay di ko na lang binigyang pansin yon.

Atubili pa ring nagpaalam si Marien sa akin na babalik na sila sa labas.

Tango lang ang isinagot ko.

Samantala patuloy at mas lalong nagngitngit pa ang kalooban ko ng hindi man lang talaga ako pinansin ni Marco.

Parang baliktad yata. Dapat ako ang gagawa sa kanya ng mga yon at hindi sya! Ako ang dapat magalit sa kanya!

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay tumayo na ako at naghugas ng kamay.

Papalabas na ako mula sa kusina ng makarinig ng mga boses ng kalalakihan na tiyak na nasa sala.

Papagawi na ako ng sala upang umakyat sa hagdan at tumungo ng aking silid ng biglang nagsitahimikan ang kanina lang na nagkakatuwaang usapan ng kalalakihan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now