Chapter One

20.1K 167 1
                                    


1

===================

"Janna,hija naihanda mo na ba ang mga dadalhin mo?" tanong sa akin ni lola pagkalapit ko sa kanila ni tita.

Oras na kasi ng hapunan at magkakaharap kami ngayon sa hapag.

Naisipan kasi ni tita Paloma at ni lola na magbakasyon naman ako sa lugar nila mommy. Nagtataka nga ako kasi dati rati naman ay hindi ako hinahayaan ni lola na makipagkita kay mommy,kaya laking gulat ko ng isang araw ay sinabihan nya akong maghanda para sa pagbabakasyon ko sa aking ina.

Tanging sa tawag sa telepono lang ang komunikasyon namin ni mommy. Ilang taon na din ng huli kaming magkita,bukod sa sandaling pagkikita namin nang makauwi na sila galing America kasama ang bagong napangasawa nya na si tito Martin, ay ngayon lang ulit kami magkikita.Masyado akong naeexcite makita at makasama sya ganun din ang bago nyang pamilya.

"Opo lola ready na pong lahat." nakangiti kong sabi sa kanya habang kumukuha na ng pagkain sa lamesa.

Ngumiti naman sya at tsaka uminom ng tubig.

"Tumawag ka oras na makarating ka na don ha?" paalala naman ni tita.

"I will tita."

~

Pagkababa ko sa kotse ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni mommy. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nya. Maya maya naman ay hinalik halikan nya ako sa mukha.

"I've missed you sweetie." aniya habang pinupunasan nya ang kanyang luha sa mga mata.

Umiiyak sya sa sobrang ligaya na sa wakas ay magkakasama na naman kami kahit sa maikling panahon lang.

Napatingin naman ako sa dalawang taong nakatayo ngayon sa likuran ni mommy, nakangiti sila sa akin ngayon habang pinapanuod ang eksena namin ni mommy.

"Hija welcome home." bati sa akin ni tito Martin.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

Maya-maya naman ay lumapit sa akin ang isang babae na sa tingin ko ay nasa disisais anyos pa lang.

"Hi ate." nakangiti syang nakipagbeso beso sa akin,sabay yakap.

Mukhang mababait sila at madaling pakisamahan,unlike sa mga napapanuod ko sa telebisyon na kung saan ay mga kontrabida ang mga bagong kapamilya, sila ay hindi. Mararamdaman mo na kaagad ang kagaanan ng loob mo pag kaharap sila.

~^~

Habang nagtatanghalian ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi ko nakikita ang isa pang anak ni tito Martin.

Simula kasi ng dumating ako ay hindi pa ito nagpapakita. Gusto ko na rin sana syang makita at makilala.

Madaldal masyado si Michico,parang hindi nauubusan ng salita. Ang saya nyang kausap, Kwento dito,kwento doon ang ginagawa. Sa totoo lang nakakalibang syang kausap. Hindi nasasayang ang oras.

Nang matapos kaming kumain ng tanghalian ay nagtungo kami sa may pool area at doon ipinagpatuloy ang kwentuhan.

Napag-alaman ko na kagagraduate lang ni Michico ng highschool. Ang kuya nya naman ay dalawang taon na ang nakalipas ng makapagtapos ito ng kolehiyo. Ito ang namamahala ngayon sa kanilang rancho. Kaya malamang daw ay sa mga oras na ito ay andoon ito sa taniman at kasa kasama ang mga trabahador.

Nag-iisip si mommy ngayon na magkaroon ng konting salo salo para sa pagdating ko at mag imbita ng mangilan ngilang bisita, na kaagad ko namang tinanggihan. Ngunit sadyang mapilit talaga si mommy kaya naman kinagabihan ay nagkakasaya sa labas ng mansyon. Dahil biglaan lang naman ang dating ko at wala namang halos kamag-anak ang pamilya sa lugar ay tanging mga trabahador at naninirahan lang sa paligid ng rancho ang inimbitahan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now