Chapter Four

10.8K 111 0
                                    


4

===================

Matuling lumipas ang mga araw, naging abala ang mga tao sa mansyon sa nalalapit na kapiyestahan sa San Andres. Maging si Marco ay hindi na na naaabutan ng dalaga sa paggising nya sa umaga at laging gabi na rin kung umuwi ito.

Pakiramdam nya ay kulang ang araw nya pag hindi ito nasisilayan. Nakasanayan nya narin kasi ang presensya nito kahit na wala itong ginawa kundi titigan lang sya sa tuwing nagkakaharap sila.

Abala ito lagi sa pagpupulong sa mga trabahador sa rancho. Malapit narin kse mag-anihan ng ibat-ibang klase ng prutas at gulay. Sya rin ang nag-aasikaso sa pagbibiyahe nito sa iba't ibang lugar.

Napag-alaman din nya na kasiyahan ng ina nito ang rancho at ang pagtulong sa mga naninirahan at nagtatrabaho dito kaya naman ng mawala ito ay dito nya sa rancho inilaan ang buong buhay nya kaya naman sya narin ang pumalit sa nakagawian ng kanyang ina. Mayroon din silang shipping company na may sangay sa iba't ibang lugar. Ang ama naman nito ang namamahala sa mga iyon.

Habang nakahiga ang dalaga sa kama at nakatitig lang sya sa kisame. Maya-maya ay tumunog ang telepono nito hudyat na may tumatawag. She climb out from bed and go to table where the phone is and she picked it up.

-JANNA'S POV-

Nang marinig ko ng pagtunog ng aking cellphone ay kinuha ko ito at sinagot ang tumatawag.

"Hello?" I said.

"Couz its me Casey." Casey said on the other line.

"What's up couz?" bati ko sa kanya.

"I just called to find out kung gusto mong sumama sakin sa bar tomorrow night?"pag-iimbita nito, nasa boses nito na nais talaga nitong sumama ako.

Pansamantala akong nag-isip, wala naman na akong masyadong ginagawa dito sa mansyon, halos lahat na din ng pahina ng librong hiniram ko ay nabasa ko na. Ipinadaan ko na rin nga kila mommy yung mga hiniram kong libro sa City Library. Halos lagi rin silang wala dahil busy sila sa paghahanda sa nalalapit na kapiyestahan. Si Michico naman ay halos isang linggo naring wala dahil nag-outing silang magkakaibigan. Pinipilit nya akong sumama ngunit ng malaman kong ilang araw yung outing ay hindi nya ako napilit pang sumama.

" My God Couz don't tell me hihindian mo ako? Come on, ngayon ka lang nakalaya kay lola samantalahin mo na dahil pag -uwi mo ay pang bahay at eskwelahan kana naman." mahabang pakiusap nito.

"Ok.ok.. May sinabi ba akong hindi ako sasama?" natatawa kong sabi sa kanya.

Minsan talaga sarap katukan ng pinsan ko na to.

"Good. But later I will fetch you ha? Samahan mo akong mag mall." aniyang muli.

Nang marinig ko naman ang mall, ay agad naman akong ginanahan,hindi dahil sa mahilig akong magshopping kundi upang makalibot naman kahit papaano. Andito lang naman kasi ako lagi sa loob ng silid ko.

"Hmmmnnn... Sounds good. Ok what time?" tanong ko sa kanya.

"Just prepare at hintayin mo na lang ako ." sagot nya.

Ito talagang pinsan ko na to, may pagkabossy.

"Teka alam mo ba kung saan ang papunta dito?" naalala kong itanong sa kanya.

"Hello? Anong tingin mo sa akin couz, hindi ba uso dyan ang magtanong at anong ginagawa ng GPS? At isa pa madali lang naman hanapin yang inyo." eksaherada nyang sabi.

Napangiti na lang ako.

Tama sya madali lang naman hanapin tong lugar na ito dahil kilala sa buong lugar ang pamilya Santillan.

"Ok,ok!" maikling sagot ko nalang.

"Well then,see you later couz."

"ok bye." paalam ko sa kanya.

"Bye."

And the line was cutted off. Bumalik ako sa aking higaan and lay down again my body.

Tama dapat paminsan minsan gawin ko din yung mga bagay na hindi ko man lang nararanasan pagkasama ko na si lola. Masyado syang overprotective sa akin. Ako lang naman kasi ang apo nya na nasa pangangalaga nya. Kasa kasama namin sa kanyang mansyon ang isa ko pang tiyahin na hanggang ngayon ay dalaga pa at wala na yata balak pang mag-asawa. Mabait naman sila katunayan alam kong mahal na mahal nila ako. Sila rin nag-aruga sa akin.

Si lola sa huling pagkakatanda ko ay gustong gusto nya naman si mommy. Nagulat na lang ako ilang araw pagkatapos ng libing ni daddy ay pili nya itong pinapalayas sa kanyang mansyon at hindi na ako ibinigay. Sa murang edad ko noon na limang taong gulang ay hindi ko nakalimutan yon. Iyak lang ako ng iyak noon, habang si mommy ay walang nagawa kundi ang umalis na lang ng umiiyak.

Ngunit hindi natigil doon ang communication namin ni mommy. Sa tulong ng aking tiyahin na si tita Paloma, kapatid ni papa, yung tiyahin kong hindi na nag-asawa. Siya ang aming naging daan para magkausap kami through phone and video call. Napag-alaman ko na sa Amerika na naglagi si mommy at nagkatrabaho. Si tita Paloma ay kaibigan at kasundo ni mommy sa mansyon. Si lola lang naman ang tanging nagalit kay mommy sa hindi ko malamang dahilan.

Ilang taon ang lumipas nagpaalam sa akin si mommy na na siya'y mag-aasawang muli. Dahil sa murang pag-iisip ko pa noon ay hindi ko naman sya pinigilan. Last year dito na sa Pilipinas sila naglagi, taga dito din kasi talaga ang napangasawa nya na paminsan minsan lang nagbabaksyon sa Amerika para magkasama sila. May mga anak din kasi ito na hindi naman pwedeng iwan sa Pilipinas. Noong makauwe na silang magkasama galing Amerika ay yun lang din ang unang beses na nagkita kami ni mommy ng personal magmula ng magkahiwalay kami. Kahit si tito Martin na asawa na nya noon ay noon ko lang din nakita at nakilala.

A knock on my door interrupted at my thoughts.

"Come in." Sigaw ko .

Bumukas naman ang pinto at pumasok si mommy.

"hey sweetie is everything's fine?" tanong nya.

Hindi ko namalayan na nakauwe na pala sila.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng higaan.

"Yeah mom, I'll go out later with Casey, is it ok mom? " sabi ko sa kanya na ipinapaalam ang aking lakad.

"Casey? Cassandra your cousin? When did you guys met? Andito ba sya sa San Andres?" sunod sunod na tanong nya habang papaupo sa may tabi ko.

"Actually last week nagkita kami sa City Library.. nakalimutan ko lang ikwento sa inyo." sagot ko.

"Oh ok,but sweetie this weekend we have an outing. You can invite her too. This past few days hindi ka na namin masyado naaasikaso- sorry about that sweetie. Nagkataon lang na masyado kami naging busy these days." aniya na nasa himig ang paghingi ng pasensya.

"Mommy ano ka ba-it's ok. I understand." natatawa kong sabi sa kanya sabay yakap ng patagilid.

Naiintindihan ko naman talaga ang pagiging abala nila, at hindi naman ako makasarili para ikatampo ang ganoong bagay.

Maya-maya after ng konting kwentuhan namin ay nagpaalam narin si mommy na bababa na para tulungan ang mga kasambahay sa pagpeprepare ng lunch. Sinabihan nya narin ako na sumunod na.

Ako naman ay naghanda na para sa pagbaba ngunit bago yun ay inihanda ko muna ang isusuot ko para mamaya sa lakad namin ng aking pinsan.

The Step Sibling's RomanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя