Chapter Fifty Three

4.1K 59 12
                                    

53

===============

"Hi ate." bati nya sakin ng tuluyan syang makalapit.

Hinalikan nya ako sa pisngi at umupo sa tabi ko.

"Ano ate sasama ka diba, siguro naman enough na yung hiningi mong time para makapag-isip?" tanong nya na talagang pinapapungay pa ang mga mata na animo madadala nya ako sa pagpapacute nya ng ganon.

Nawala na kasi sa isip ko na hiniling nga pala nya kagabi na sumama ako sa outing nila sa Batangas.

Ok lang naman sana sakin, kaso maiiwan ko na naman ang dalawang anghel ko. Tatlong araw pa naman ang sinabi nyang ilalagi namin doon.

"I'll think about it Mich, sa ngayon may mga dapat pa kasi muna akong ayusin." pagdadahilan ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkalungkot sa mukha nya.

"Nah... Kagabi mo pa sinasabi yan. Kailangan ba talagang pag-isipan pa tong mabuti? As far as I know, your here to spend time with us, to be with us. Pero sa nangyayari ngayon, hindi ka na nga dito nag i-stay, hindi mo pa ako mapagbigyan sa simpleng hiling ko. Magtatampo na talaga ko sayo nyan." mahabang pahayag nya habang naka pout.

"Sweetie pagbigyan mo na ang kapatid mo, ngayon na nga lang ulit kayo nagkita, siguradong miss na miss ka na nyan." nakangiting singit sa amin ni mommy.

Hay, what else can I do? Dalawa na silang pumipilit sa akin ngayon. Or should I say nagmamakaawa?

Sinundot tuloy ako ng konsensya ko. Kahit naman siguro ako ang nasa kalagayan nila, magtatampo din ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Makakatanggi pa ba ako ngayon?

"Sige na nga, but in one condition. Hintayin muna natin si Andrei para makasama sya." nakangiti kong sabi sa kanila.

Bahala na nga.

"Yipeee!!" malakas na sigaw ni Mich habang tumayo pa at napapalakpak.

Natatawa lang kami ni mommy na nakatingin sa kanya.

"Thanks ate, so paano I have to go. Pag-usapan na lang natin yung details pag andito na sa Pilipinas si kuya Andrei ok?" excited nyang sabi sa akin at hinalikan na nya kami ni mommy sa pisngi at nagpaalam ng may lakad pa sya kasama ang mga kaibigan nya.

Napapailing na lang akong sinusundan sya ng tingin habang papalayo.

"So sweetie, ano na nga ulit yung sasabihin mo sa akin kanina?"

Napabaling naman ako bigla kay mommy nang magsalita sya.

Naalala ko na sasabihin ko na nga pala sa kanya ang tungkol sa dalawang bata, kaso nagbago na ang isip ko.

"Ah e mommy nakalimutan ko na eh." nahihiya kong sabi sa kanya habang pilit ang ngiti.

Ngumiti naman sya at napailing iling na lang.

"Sya nga pala, samahan mo 'ko. magmall tayo." excited nyang sabi sakin.

"Sure." sagot ko naman.

"Hintayin mo ako at gagayak lang ako ok?" aniya bago nagmamadaling tumalikod.

Ako naman ay naisipang tawagan si Andrei para itanong kung kaylan ang uwi nito, at para makamusta na din.

***

-MARCO'S POV-

Papunta na kami ni Lanie sa bahay para sa selebrasyon ng pagtatapos ni Mich ng bigla ay nakaramdam ako ng halo halong emosyon. Hindi ko alam pero may excitement akong nararamdaman ngunit ramdam ko din ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now