Chapter Forty Six

3.6K 63 8
                                    

46

==============

Nagising ako sa mabangong naamoy ko. Naalala kong andito nga pala sina mom and dad,at malamang ay nag-uumpisa ng magluto si mommy nang breakfast.

Pagtingin ko sa side table ng higaan ko upang tignan ang oras ay sa cellphone ko ako napatingin. Naalarma naman ako bigla ng tignan ko ito at makitang may limang missed calls at limang text.

Kahit hindi ko basahin at alamin kung ano ang mga laman ng text at kung ano ang mga dahilan ng tawag ay nahihinuha ko na kung ano ang mga yun.

Kay Riza galing ang mga text at tawag,pamangkin ni Manang Laida na syang pinagkakatiwalaan kong kasakasama dito sa Paris.

Naisipan ko na lang na puntahan sila mamaya.

Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Matapos nun ay agad na akong lumabas ng aking kwarto. Balak kong ipasyal sila mom and dad ngayong araw.

Naabutan ko si mommy na naghahanda na ng pagkain sa hapag.

"Good morning mommy." bati ko sa kanya.

Agad naman syang napangiti at hinalikan ako sa pisngi ng makita ako.

"Good morning sweetie." bati nya din sa akin.

Naupo naman agad ako nang makita kung ano ang mga nakahandang pagkain.

Oh my God!

Siningag,Ginisang kamatis na may itlog, pancit canton, at Daing.

Ulalam, simpleng mga pagkain pero namissed ko ng sobra.

"Where's dad mommy, I'm starving already." tanong ko kay mommy na pinagkukuskos ko pa ang mga palad ko habang nakatitig sa mga pagkaing nasa harapan ko.

"Natutulog pa,mauna ka nang kumain at tiyak namis mo yang mga pagkaing ganyan." natutuwa nyang sabi sa akin.

Grabe puro breads and different salads lang kasi ang halos laging kinakain ko dito.

Ganun nga ang ginawa ko,nag-umpisa na akong kumain habang si mommy ay tuwang tuwang pinapanuod lang ako habang nakikipagkwentuhan.

Matapos makakain ay pakiramdam ko ay kumpleto na ang araw ko. Maliban sa isang bagay,ang makita at makasama sila.

Nang maalala yun ay saglit akong nagpaalam muna kay mommy para umalis. Tulog pa naman si daddy kaya may oras pa ako para mapuntahan muna sila.

Pero bago yun ay may kinuha muna ako sa kwarto ko na makakapagpasiya sa isa sa kanila bukod sa presensya ko.

Nagdrive na ako patungo doon na ramdam ang kagalakan sa puso ko. Miss na miss ko na sila.

Nang makarating sa lugar ay agad akong nagdoorbell.

Bumangad sa akin si Andrei na todo ang pagkakangiti.

"Thanks God your here, hindi namin mapatigil sa pag-iyak si Chloe."

Agad naman akong pumasok na sa loob. It's Andrei's Unit. Panggabi ang pasok nya,dahil isang malaki at sikat na bar ang pag-aari nya.

Nang tuluyang makapasok ay agad ko namang nakita ang baby kong buhat buhat ni Riza na halatang talagang pinapatahan. They are three years old already. Yeah they are twins. Coleen and Chloe.


Agad namang nagpapabuhat sa akin ang baby Chloe ko ng makita ako. Agad ko syang kinuha at pinghahahalikan. Tawa ito ng tawa. Maya maya naman ay inilibot ko ang paningin.

"Ate tulog pa si Coleen,napuyat. Hindi din kasi nakatulog kagabi dahil iyak ng iyak yang si Chloe." sabi ni Riza habang iniinat inat pa ang mga braso.

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon