Chapter Eighteen

6.9K 76 3
                                    

18

================

Tutal ay nasa kalagitnaan na ng hapon at late na para sa lunch, ay napagpasyahan namin na kumain na lang ng egg pie na binili nila mommy kagabi at nagtimpla na lang ako ng orange juice para sa aming dalawa. Hindi ko na ipinaabala ang mga kasambahay kay Marco dahil sa mga oras na ito ay malamang nasa kasarapan na ng pagpapahinga ang mga ito.

Habang kumakain ay panay parin ang kwentuhan namin. Sa sala na namin naisipang kumain.

Maya maya ay nakarinig kami ng sasakyang paparating. Narinig namin ang pagtigil nito sa tapat ng mansyon at maya maya rin ay umalis din kaagad. Parang may inihatid lang. Inabangan na lang namin kung sino ito.

Si Michico, at may mga dala dalang ilang paper bags. Mukhang galing sa pamimili sa dami ng bitbit nito.

"Hi guys." bati nito sa amin. At ibinaba ang mga ipinamili sa lapag malapit sa pang isahang sofa na kanyang inupuan. Nag iinat inat ito na animo ay napagod.

Naiiling iling namang nakatingin lang sa kanya ang kanyang kuya.

"Hi Mich, tired from shopping?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Not really. Ang layo kasi ng nilakad ko. Akalain nyo ba naman nasiraan ang taxi na sinasakyan ko sa kalagitnaan ng bukid? Arrggg wala na akong ibang masakyan kaya napilitan na tuloy akong maglakad." reklamo nito na mababakas sa mukha ang iritasyon.

"Naglakad ka? So kanino yung sasakyang huminto kanina lang? I thought someone's give you a ride." ani Marco.

Nakita ko naman ang pagliwanag sa mukha ni Mich.

"Oh that guy. Thanks to him. He is Terrence nakita nya kong naglalakad sa initan. So he volunteered to give me a ride." parang nangangarap na sabi nito.

"Do you know him?" tanong ulit ng kuya nya.

"No actually. Kanina ko lang sya nakilala." ani Mich habang sinisipat sipat ang kanyang mga braso. Halata ngang galing ito sa initan dahil sa nakikitang pagkapula ng kanyang mukha at mga braso.

"What?? Are you crazy? Hindi mo naman pala kilala bakit pumapayag kang ihatid ka? Pano na lang kung masamang tao yun. And besides bakit hindi mo ako tinawagan para nasundo ka?" sigaw sa kanya ng kanyang kuya.

"hmp you over reacting kuya. Tumulong na nga yung tao pag iisipan mo pa ng ganyan! And please check your phone, so you will know how many times I tried to call you " galit na sagot sa kanya ng kapatid. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at kinuhang muli ang mga pinamili.

"hey why you are talking to me like that. Baka nakakalimutan mo mas matanda pa din ako sayo." napatayo na ng tuluyan si Marco.

"Whatever!" sigaw sa kanya ng kanyang kapatid at nagdire diretso na sa pag akyat.

Ako napatulala lang sa sagutan nilang magkapatid. Naiiling na napaupong muli si Marco.

"That little brat." narinig kong sabi nya.

"Marco she's a big girl now. She knows what she is doing. And besides admit it or not there's a part of that it was your fault." sabi ko sa kanya.

Tumitig lang naman sya sa akin. Nasa mahabang sofa kasi sya at ako ay nasa pang isahang sofa. Hindi kami talaga magkatabi dahil mahirap na kung may makakakita.

Itinaas nya lang ang dalawang kamay nya na parang sumusuko sabay iling ng sunod sunod. Umakma na syang tatayo kaya tinanong ko kung saan sya pupunta.

"Dont tell me you also upset with me? Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot.

"Where are you going?" tanong ko ulit sa kanya.

The Step Sibling's RomanceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora