Chapter Forty

3.8K 55 7
                                    

40

===============

Ako nama'y bumunghalit nang tawa.

Ganito na ba talaga sya kadespiradong mapaghiwalay kami nang anak nya?

Napansin kong mataman syang nakamasid sa akin ngayon habang patuloy pa din ako sa pagtawa.

Maya maya naman ay sumeryoso na ako at tinitigan din sya.

"We are not siblings, you and dad got married. But that doesn't mean that me and your daughter are siblings now. We are not blood related." seryoso kong sabi sa kanya.

Napayuko naman sya sa sinabi ko.

"Your dad is her real dad." mahina nyang tugon.

Para namang tumambol bigla ang puso ko.

Tama ba ang narinig ko?

"W-what?" tanong ko sa kanya na naguguluhan na.

Tumingin sya sa akin.

"Iisa ang daddy nyo. Magkadugo kayo!" sigaw nya sa akin.

Ako naman ay napatulala. Wala akong masabi.

Naramdaman ko ang pagtayo nya.

"Magkapatid kayo Marco. Daddy nya din ang daddy mo." umiiyak nyang tugon sa akin.

Ako nama'y nahimasmasan din. Tumawa ako nang pagak at tinitigan sya nang masama.

"Ganyan ka na ba talaga kadesperadang paghiwalayin kami?" sabi ko sa kanya habang nakakuyom ang aking mga kamay sa galit.

"I was scared Marco, kaya ko pinagbakasyon ang anak ko dito ay para makapaglapit silang mag-ama at para masabi sa kanila ang totoo,pero natakot ako sa magiging reaksyon nila. Believe me Marco I've tried,pero nauunahan ako lagi nang takot."
Umiiyak nyang tugon.

Ako nama'y hindi malaman ang gagawin. Gusto kong magwala. Gusto kong saktan ang sarili ko. Ayokong maniwala sa mga pinagsasasabi nya. Natatakot ako. Totoo ba tong mga ito?


"This is a joked right?" pilit ko pa ring pinaniniwala ang sarili kong hindi totoo to.


Hindi sya kumibo .


"Tell me. Nagbibiro ka lang ba?" sigaw ko sa kanya.

Tuluyan nang naubos ang pasensya ko.

No!

Hindi totoo ang lahat nang ito.

"Sana nga biro lang ang lahat nang ito. I know it was all my fault. Kung sinabi ko na habang maaga pa,hindi mangyayari ang lahat nang ito." aniya at tinalikuran na nya ako.

Pero bago sya tuluyang lumabas na ng aking silid, muli syang nagsalita.

"Wag mo munang sasabihin sa kanila lalo na kay Janna. Tama na munang makipaghiwalay ka sa kanya. Masyado syang masasaktan."

Yun lang at tuluyan na syang umalis.

Halos mabaliw baliw ako sa mga rebelasyong nalaman ko.

Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng laging nasa isip ko. Ang babaeng..

Nakatalik ko....

The Step Sibling's RomanceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt