Chapter Fifty Two

3.7K 53 4
                                    

52

===============

"M-Mar- Ah I mean K-kuya, kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanyang nauutal.

Patuloy parin ang malakas na pintig ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. Kuya. Tama. Dapat naman talaga yaan na ang tawag ko sa kanya.

Tumayo sya. Ibinaba nya sa lamesitang nasa tabi nya ang tangan tangang bote ng alak at lumapit sa akin. Ngayong natitigan ko sya, napansin kong mas lalo syang mas gumwapo ngayon. Alon alon ang buhok nya at mas lalong naging prominente ang hugis ng panga nya, na mas lalong ikinalakas ng dating nya. Mas lalong naging kaakit akit.

"Can we talk?" napakislot naman ako ng magsalita sya. Hindi ko kasi namalayan na natulala na ako sa harap nya.

"S-sure." sagot ko naman.

"Sana maayos na yung tungkol sa ating dalawa. Sana kung ano man yung nakaraan, kalimutan na natin. Sana wala ng ilangan kung magkakaharap man tayo." aniya habang matamang nakatitig sa akin.

Sa totoo lang hindi ko mabasa ang emosyong nasa mukha nya.

Hindi ko alam pero parang naninikip ang dibdib ko sa isiping nais na nya talagang ipagpawalang bahala kung ano man ang namagitan sa amin noon.

Pero gaya nga ng sabi nya, mas maganda kung kalimutan na namin yon. Alam kong nahihirapan din syang makiharap sa akin gayong magkapatid kami. Ngunit ng dahil sa nakaraan kaya hindi maiwasang magkailangan talaga kami.

Mabuti na lang hindi nya pala nadinig ang pinag-uusapan namin kanina ni Andrei.

"Yun lang ba, oo naman. Syempre." lito kong sagot sa kanya. Tama ba ang sinagot ko? Nalilito kasi ako. Bigla parang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko.

Napansin ko naman ang pagkunot ng noo nya. Naintindihan nya kaya ako?

"I- I mean dapat lang naman diba? We're siblings, at ganon naman dapat diba, walang ilangan? Nakaraan na yon. Wag na lang sana nating balikan pa. Mas makabubuti nga siguro kung kalimutan na natin yung mga yon." paliwanag ko sa kanya.

Napangiti naman sya ng tipid.

Niyakap nya ako. Ako, hindi ko malaman pero parang gustong bumigay ng tuhod ko ng magdikit ang mga katawan namin.

Ano ba to?

Dapat ba talagang maramdaman ko pa ang mga to?

Agad naman syang humiwalay sa akin at tumitig muli sa akin ng nakangiti.

"Thanks." aniya.

Nginitian ko din sya. Napipi na yata ako. Wala akong masabi.

"Sis.." tawag nya sa akin.

"Ha?" gulat ko namang tanong sa kanya.

Tumawa sya. Yung tawa na talagang mahahalina ka. Namiss ko yang tawa nya na yan. Hindi ko na namalayan na nadadala na ako sa pagtawa nya at natulala na naman ako. Naramdaman kong ginulo nya ang buhok ko.

Nagising akong muli sa saglit na pagkatulala ng makadinig ng pagtawag.

"Hon?"

Maya maya ay lumitaw si Lailanie at nakangiting lumapit sa amin.

"Hon, there you are. Kanina pa kita hinahanap." aniya ng makalapit sa amin.

Nginitian sya ni Marco at hinapit sya sa bewang.

Nginitian lang din ako ni Lailanie.

"Hon, we have to go. Kailangan pa nating i-meet si Vannie early in the morning tomorrow. Alam mo naman yon napakahalaga ng oras." aniya kay Marco.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now