Chapter Six

9.9K 112 0
                                    

6

================

Samantala ng nasa mall na kami ay nagtungo kaagad kami sa woman's section na kung saan ay hindi magkandaugaga itong si Casey sa pagpili ng isusuot nya para sa lakad namin kinabukasan ng gabi. Ako ay pinipilian nya narin na pilit ko namang tinatanggihan dahil hindi ko nais magsuot ng mga napipili nyang kasuotan para sa akin.

"Let's talk later Janna." aniya.

Napatingin naman ako sa kanya sa pagkakabanggit nya nun.

Bakit ba bigla bigla na lang sya magsasalita ng ganun?

Sa totoo lang simula ng makarating kami dito sa mall ay tahimik lang ako. Hindi ako umiimik na sya sigurong ikinakapagtaka nya.

Maya maya ay nagbayad na sya sa counter ng hindi ko nalaman kung ano ano ang mga ipinamili nya. Masyado kasing okupado ng kung sino ang isip ko.

Hinila nya ako sa isang kainan at pagkatapos noon ay sya narin ang bahalang umorder ng kakainin namin. Nang makaupo na kami ay pinakatitig-titigan nya ko na parang may binabasa sa mukha ko.

"What?" hindi ko na natiis at iritableng tinanong sya.

Pinasingkit nya pa ang mga mata nya na animo ay isa akong bagay na pinag-aaralang mabuti.

"Nagseselos ka ano?" tanong nya.

Nagulat naman ako sa klase ng tanong nya na yun.

"What? What are you talking about?" tanong ko ulit sa kanya.

Nalilito ako sa mga klase ng titig nya. Nais kong itago na lang ang nararamdaman ko, ngunit sa pinsan kong ito? Hindi maaari yon, aalamin at aalamin nya ang kailalim laliman ng nais nyang malaman.

"Look couz. Remember sa Library noon halata na sayo na nagagalit ka noong masyado akong naging interesado sa stepbrother mo. At kanina ni hindi ka nga ngumingiti at kung ngingiti ka naman fake naman lalo na nung makita mo yung doktora na yun- hay kung alam mo lang sana itsura mo kanina." mahabang salaysay nito.

Nahihiya akong nagyuko lang ng ulo at hindi na kumibo dahil totoo naman ang sinasabi nya. Nagseselos ako.

Hindi ko na pwedeng itanggi yun, dahil higit sa lahat, alam ko sa sarili ko na nagseselos nga talaga ako.

"So tell me nagseselos ka diba, gusto mo siya?" pilit na pag-uusisa pa din nito.

Hindi ako makatingin sa kanya,ngunit tumango ako para sa pag-amin.

"Sh*t. I can't believe this couz. I mean, hello? You've never even had a crush on a guy. Well, pwera na lang yung kay Miguel. Nadeveloped lang ang feelings mo. but holy suck fest couz, he's your stepbrother." sabi nito na sinapo pa ang noo na parang sya pa ang namomroblema para sa akin.

Napatingin naman ako sa paligid namin. Nakakatawag na kasi kami ng pansin, bakit ba kasi ang ingay ingay ng pinsan ko na to.

"I know that couz. And nothing is ever going to happen. I just have to get used to him being around and the fact that our family is intertwined. This is a crush only and I know those things pass." mahabang paliwanag ko sa kanya.

Crush?

Crush nga lang ba? Tanong ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Yeah, but wait. How the hell did this all happened?" tanong nyang muli na bakas padin sa mukha ang hindi pagkapaniwala sa mga nalaman.

"I don't know. Siguro ng magkakilala kami? Ewan ko, basta iba,hindi ko mapin point couz, ang alam ko hindi ako mapakali pag nasa paligid sya" nalilito kong paliwanag sa kanya.

Hindi ko rin talaga kasi maintindihan ang sarili ko kung paano ba nangyari ang lahat ng ito. Nagising na lang ako na gustong gusto ko syang nakikita sa kabila ng hindi ako mapakali pag kaharap sya.

"So, sa tingin mo crush nga lang yan?" napapailing na tanong nito.

Muli. Crush nga lang ba talaga? Tanong ko sa sarili ko.

"Ewan ko. " maikling sagot ko at nagkibit balikat na lang.

Nakita ko naman ang pag-irap nya sa akin kasabay ng pag-iling iling nya.

Natahimik naman kami ng dumating na ang pagkaing inorder nya para samin.

"Buti na lang pala at hindi naman talaga ako seryosong gusto ko sya." tumatawang sabi nito habang inuusisa ang mga pagkaing kalalapag lang ng crew na syang pinag orderan nya din kanina.

Natawa na din ako sa sinabi nya at nagsimula ng kumain.

Ito naman ang gusto ko sa pinsan ko na ito,parang ate ko na din kahit magkaedad lang naman kami. Kaya nitong magalit sa akin in a good way para mapangaralan ako. At kaya nya rin naman akong mapasaya kung kinakailangan.

Kanina ay halos maloka loka ito sa mga rebelasyong nalaman, ngayon ay ok na kaagad ito. Nangiti naman ako.dahil kahit papaano lumuwag ang dibdib ko dahil nakapag open ako sa kanya.

Matuling lumipas ang oras at napagpasyahan na naming umuwi.

Magdidilim na nang maihatid nya ako sa bahay. Pansamantala lang syang tumigil sa bahay para kamustahin si mommy at makipagkwentuhan lang saglit at pagkatapos noon ay umalis na din sya kaagad.

Before magdinner pababa na ako galing sa aking silid ng marinig ko na ang paparating na pick up truck ni Marco at pagkatapos noon ay ang paghinto sa may tapat ng mansyon. Maya-maya naman ay ang mga tawanan na ng mga papasok sa kabahayan ang madidinig. It was Marco with Marien. I couldn't helped but frowned papano ba naman kanina pa sila magkasama nito. At mukhang masayang masaya sila ngayon.

Nang tuluyan na akong makababa ay nagkasalubong pa kami.

Nagkatinginan kami ni Marco at ngumiti sya sakin, ganon din si Marien.

"Hi Janna!" bati ni Marien sa akin.

"hi!" maikling bati ko din sa kanya at tipid ko syang nginitian.

Umupo ako sa pang isahang sofa at ganun din si Marien,si Marco naman ay sumandal lang sa may isang mataas na lamesita habang nakahalukipkip at nakamasid sa amin.

"How's your day with your friend?"
Tanong sa akin ni Marien.

"Casey is not just my friend, she's a cousin also." pagtatama ko sa kanya.

"Ah ganun ba sorry." nahihiyang sabi nito.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, parang nakokonsensya naman ako sa pagsusungit ko sa kanya. Mukha naman syang mabait, at wala naman syang ginawang masama sa akin. Tanging ikinasasama lang ng loob ko ay ang pagiging malapit nila ni Marco.

"Ok lang naman, We hang out at the mall, sinamahan ko lang si Casey na bumili ng damit nya,we ate there and so on." sagot ko sa tanong nya kanina.

Ngumiti naman sya.

Napatingin ako kay Marco na ngayon ay titig na titig na pala sa akin.

"So how about you and Marco, napakasaya nyong masyado- mukhang may magandang nangyayari sa loob ng kwadra." wika ko sa kanya.

I heard her gasped and her face is become reddish because of embarrassment. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ba yun ang lumabas sa bibig ko. Napatingin akong muli kay Marco na bakas sa mukha ang hindi pagkapaniwala sa mga inaasta ko.

Masyado na yatang nakakabastos ang mga sinabi ko. Pinagsisihan ko naman agad iyon.

Kaya naman nang madinig ko ang pagtawag sa amin ni mommy ay agad na akong tumayo at nag-excused na sa kanila. Alam kong nakasunod ang tingin ni Marco sa akin ngunit hindi ko na lang sya tinignan ng mapadaan ako sa harapan nya.

The Step Sibling's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon