Chapter Thirty Five

3.6K 50 4
                                    

35

=====================

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang makipaghiwalay sa akin si Marco. Batid kong hindi na ako kumpleto,pakiramdam ko ay may nawawalang bahagi sa buhay ko ngayon. Pati pag-aaral ko ay naaapektuhan na.

Nakabalik na sina lola at tita Paloma from US, maging sila ay nagtataka na sa nangyayari sa akin.

Lagi akong walang gana sa lahat ng bagay. Lagi lang akong nagkukulong sa aking silid.

Isang araw habang tahimik lang akong nagmumukmok sa aking silid ay pumasok si tita at kinausap ako.

"Hija?" narinig kong tawag nya sa akin.

Nakahiga kasi ako sa aking higaan patalikod sa kanya.

Hindi ko sya pinansin at nagkunwaring tulog ako.

"Sinabi sa akin ni Casey ang lahat." panimula nya. Ramdam nyang gising ako.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Alam kong nasa likod ko na sya ngayon at nakaupo.

"May ikukwento ako sayo."

Hindi pa din ako tuminag, hinayaan ko lang syang ipagpatuloy ang pagsasalita.

"Anim kaming magkakaibigan noon, ako,ang daddy at mommy mo, si Hugo, si Martin at si Michelle."

Nagtataka man ako sa mga sinasabi nya ay nakinig na lang ako.

"Mas naunang naging kasintahan ni Martin ang mommy mo, kami lang ng daddy mo ang walang kasintahan noon,dahil maging si Michelle at Hugo ay magkasintahan din.

Yung Michelle ay ang nasirang asawa ni Tito Martin. Alam ko ang ibang istorya nilang magkakaibigan ngunit hindi lahat. Hindi ko kilala kung sino yung Hugo.

"Dahil malapit sa isa't isa ang mga magulang namin ng mommy mo,ipinagkatiwala nila ang mommy mo kina mama at papa nang naging kritikal na ang kalagayan nila gawa ng pagkakaaksidente ng kanilang sasakyan habang lulan sila nito..."

"Lumaki kami na magkakasama. Ako, ang kuya at ang mommy mo.Ang mama at papa ang tumayong magulang na din ng mommy mo. Lingid sa kaalaman namin nakatakda pala ang mommy mo na ipakasal kay kuya,dahil kung hindi ay hindi nya makukuha ang manang iniwan sa kanya ng mga magulang nya. Ipinalabas nila na nakipaghiwalay sya kay Martin at pumayag na syang maikasal kay kuya alang alang sa mamanahin nya... "

Masyado na akong nagiging interesado sa mga ikinukwento ni tita, kaya humarap na ako at umupo sa tabi nya.

Ngumiti naman sya sa akin habang iniipit sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok kong nasa mukha ko.

Ipinagpatuloy nya ang pagkukwento.

"...Hindi rin naman kami sang-ayon sa ginawa sa kanila nila mama. Mana nya yon,bakit kailangang ipakasal pa sya kay kuya para lang makuha yon. Napagkasunduan namin na magpapakasal sila at pag nakuha na nya ang kanyang mana ay tsaka sila maghihiwalay. Ngunit nagkamali pala kami sa napagpasyahan. Dahil napamahal na si kuya sa mommy mo. Nasira ng lahat ng naging plano namin. Hindi na nya hiniwalayan pa ang mommy mo. Walang nagawa ang mommy mo,bilang respeto kina mama at papa ay pinakisamahan na lang nya si kuya. Ngunit lingid sa kaalaman namin ay patago pa din silang nagkikita ni Martin. Tatlong taon ka na noon ng mahuli sila ng daddy mo. Hindi naman nagawang ipaglaban ng mommy mo si Martin dahil mas inisip nya ang mamanahin. Noong araw na yon naghiwalay din sila at hindi na nagkita pa.

Katahimikan.

Noon pa lang pala ay may relasyon na si mommy at Tito Martin? Hindi ko akalain na naging makasarili si mommy at hindi naipaglaban ang taong minamahal alang alang sa mamanahin?

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now