Chapter 30 - Mommy Sarah?

2.2K 37 4
                                    

Kinabukasan, naunang gumising si Gerald at nakita niya si Sarah na nakatungo lamang ang kanyang ulo sa kama na hinihigaan ni Gerald. Sobrang na-touch siya sa ginawang sakripisyo ng kanyang girlfriend. Pero mejo naaawa din siya dahil sa ganung paraan lamang siya natulog.









“Babe?” nagising si Sarah dahil gumalaw si Gerald. “May kailangan ka ba? Bakit gising ka na?”

“Wala. Wala. Kung inaantok ka pa, just sleep. Alam kong puyat ka pa.” sabi ni Gerald.

“No! You should. Diba may lagnat ka pa?” tumayo si Sarah at chineck si Gerald. “Wala ka ng lagnat agad?”

“Sabi ko sayo eh! Superman ito!!! Tsaka magaling yung nurse ko!”

“Sus! Lakas mambola!!! Teka anong oras na ba?” tanong ni Sarah at tumingin sa kanyang relo. “Nako! I have to head home! Kailangan ko pang pumasok sa kumpanya. I only have 2 hours!!! Ikaw, wag ka munang pumasok baka mabinat ka ha?”

“Opo.”

“Anong opo ka dyan?!?”

“Para ka kasing si Nanay eh kung mangbilin!”

“Miss Beautiful?!” nagulat si Cobbe pagpasok niya sa kwarto ng kanyang Daddy na andun si Sarah at bigla niyang hinug si Sarah.

“Hello Cobbe? Kamusta ang tulog mo?” sabi ni Sarah.

“Okay naman. Bakit andito ka sa kwarto ni Daddy?”

“I have to take care of your Dad eh. Tignan mo may mga sugat siya tapos nilagnat pa siya kagabi ng mataas.”

“Ahhh okay. Bakit siya may mga sugat? Anong nangyari?”

“It’s a long story Cobbe. I’m going home na ha? Punta na si Ate Sarah sa kumpanya.”

“Okay. Take care!!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon