Chapter 1 - Past and Present

3.9K 36 1
                                    

“Maghiwalay nalang tayo kung ayaw mong tumira dun!” sabi ni Delfin kay Divine at rinig na rinig ito ni Sarah.

“Bakit ba kasi gustong-gusto mong tumira dun ha?” sabi ni Divine.

“Eh kasi andun yung lupain na pinamana sakin ng Tatay ko.”

“Alam ko naman yung tungkol dyan pero diba pwede mo namang ipamahala nalang sa iba yun?”

“Divine! Hindi mo kasi maintindihan eh!!!!”

“Talagng hindi ko maintindihan! Paki-paliwanag nga baka sakaling maintindihan ko pa. Sige nga.”

“Bago kasi mamatay ang Tatay ko nangako ako na hindi ko pababayaan ang lupain at pati mga tauhan namin. Ako mismo ang magpapalakad.”

“So mas pinipili mo pa ang mga tauhan niyo ganun?!???”

“Hindi sa ganun Divine!!”

“Eh sa ginagawa mo parang nakapamili ka na eh. Sige! Umalis ka!” tuluyang itinaboy ni Divine si Delfin at nakita ito ni Sarah. Lumabas siya at hinabol si Delfin.

“Daddy? San ka pupunta?” tanong ni Sarah at mangiyak-iyak ito.

“Anak, kailangan si Daddy sa lupain ng Lolo mo eh.” sabi ni Delfin.

“Bakit ka may mga dalang mga gamit? At tsaka bakit nag-aaway pa kayo ni Mommy?”

“Anak, itong tatandaan mo ha? Mahal na mahal ka ni Daddy kahit anong mangyari. Wag na wag mong iisipin na pinagpalit ko kayo sa lupain ng lolo mo ha? Bye my princess!” sabi ni Delfin at hinalikan si Sarah sa forehead.




Mausok. Mapolusyon. Ma-traffic. Mainit. Laging binabagyo. Magulo. Flashback. Daddy na walang kwenta. Yan ang mga naisip ni Sarah habang siya ay naghihintay sa airport. Kadadating lang niya galing United States. Simula kasi nang iwan sila ni Delfin ay pumunta siya sa ibang bansa at doon na siya nag-aral at nag-masters na rin para maging isang magaling na Chef. Ayaw niya nang balikan pa ang nakaraan. Yung pang-iiwan sa kanila ni Delfin para lang sa isang lupain. Si Divine naman ay naiwan pa din sa Maynila para i-manage ang kanilang mga restaurants. Uuwi na si Sarah dito sa Pilipinas dahil tapos na siya sa kanyang pag-aaral at sa tingin niya ay dapat na siyang umuwi upang harapin ang meron sa Pilipinas.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon