Chapter 20 - Matapos ang "FAMILY" bonding

2K 31 7
                                    

Pagdating sa loob ng bahay ni Sarah ay agad naman siyang sinalubong ni Divine na para bang may emergency. “Ah siguro pumunta na dito si Sam at hinahanap ako.” ito ang hula ni Sarah. Iniisip niya na baka pinuntahan siya ni Sam sa bahay dahil hindi siya ma-contact kanina tapos wala pa siya sa kumpanya at pina-cancel pa lahat ng appointments niya.

“Sarah!!!” bineso ni Divine si Sarah. “Thank God you’re home!”

“Bakit Mom? May nangyari ba dito?” sabi ni Sarah.

“Si Sam hinahanap ka niya sa akin at galit na galit pa!”

“What?” sabi ni Sarah. “Sabi ko na nga ba eh. Tama nga ang hula ko. Hindi ako nagkamali. Kabisadong-kabisado ko na talaga ang ugali ni Sam.”

“Ano ba kasing nangyari? Hinanap ka daw niya sa office wala ka daw pina-cancel mo lahat ng appointments mo tapos hindi ka pa ma-contact!”

“Mom kasi kasama ko si Gerald tsaka yung anak niya.”

“Teka teka nga. Pano mo naman nakasama si Gerald kanina tsaka may anak na pala siya?”

“Kasi Mommy siya pala yung bumili nung 15% ng stocks ng company natin so siya na yung 2nd major stock holder ng company natin. Tsaka yesterday sa seminar, pinakilala niya din sa akin yung anak niya. I just forgot to tell you.”

“So ibig sabihin may asawa na siya?”

“I just don’t know. Wala naman siyang nababanggit.”

“Okay so bakit kayo magkasama the whole day? One big family ha!!!”

“Mom?! No! Pinagbigyan ko lang kasi yung anak ni Gerald eh. Kawawa naman, gusto niya daw akong makasama so ayun. Nalungkot kasi nung hindi ako pumayag nung una.”

“So close na kayo nung anak ni Gerald?”

“Mommy naman! Parang hindi mo ko kilala! Ang hilig ko sa mga bata. Malambot talaga ang puso ko sa mga bata.”

“Yun lang ba talaga?!”

“Ano naman kaya ang ibig sabihin ni Mommy? I know may nafi-feel siya!” sabi ni Sarah. “Yes! Ano pa ba dapat?”

“So bakit galit na galit si Sam? Nag-away ba kayo?”

“Kasi Mommy dapat may meeting kami with the wedding coordinator ngayon eh nawala sa loob ko tapos ewan ko ba, di ko din alam kung bakit wala din sa loob ko ang tawagan siya. Sobra bang galit na galit?”

“Parang hindi mo naman kilala si Sam! Ang tagal niyo nang magka-relasyon!”

“Natatakot ako Mommy! Grabe siya magalit eh. I wonder kung ano na naman ang gagawin niya this time.”

“Just tell him the truth okay? I’m sure maiintindihan ka naman nun. Sadya lang na mainit ang ulo niya. Dapat sanay ka na. Pano kung mag-asawa na kayo diba?”

“I hope so mommy.”

“Sarah, ikakasal ka na ha? Papunta ka pa lang, pabalik na ko. Halatang-halata ka.”

“Mother’s instinct na naman? Nafi-feel niya kaya na gusto ko pa si Gerald?” tanong ni Sarah sa kanyang sarili. “What do you mean Mommy?”

“I know you still like Gerald.” sabi ni Divine at hindi nakasagot si Sarah na tila tumagos sa kanyang isip at puso ang mga linyang iyon. “See? Silence means yes!”

“Honestly, I don’t know Mom. Mahal ko rin naman si Sam eh.”

“Pero sino ang mas matimbang? Come to think of it! Engaged ka na kay Sam. I don’t want you to suffer in the end baby. Gusto ko magiging masaya ka sa kung sino man ang pakakasalan mo.”

“Oh myy. Nagugulahan na talaga ako! Tama si Mommy! Pero anong gagawin ko? Bahala na!!! Bahala na talaga!!!” sabi ni Sarah. “Thanks Mom! I will keep that in mind. You’re the best!! I love you mommy!!”

“I love you too baby!” sabi ni Divine. “Ang laki laki mo na talaga!! Engaged ka na!!”

Naguguluhan na nga si Sarah sa pagkikita nilang muli ni Gerald. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naguguluhan sa kanyang mga nararamdaman kung hindi naman niya gusto o mahal si Gerald. “So ibig sabihin mahal ko pa si Gerald?” ito ang bumabagabag na tanong kay Sarah. Samantala si Gerald naman ay masayang-masaya dahil nakasama niya ng buong araw si Sarah at masayang-masaya pa sila kanina sa mall.

“Oh Ge! Ginabi kayo ni Cobbe!” sabi ni Nhila na buhat buhat ni Gerald si Cobbe at inakyat na sa taas.

“Fred, pakikuha yung mga toys ni Cobbe sa kotse.” sabi ni Gerald. Kinuha ni Fred ang mga toys na pinamili kanina at nagulat si Nhila sa dami. Habang pababa naman si Gerald galing sa kwarto ni Cobbe.

“Oh san naman galing yan? Namili kayo?”

“Hindi nay!” sabi ni Gerald.

“Eh san?”

“After kong bilin yung stocks sa kumpanya ni Sarah, nakasama namin siya ng buong araw sa mall. Ayan, pinamili niya si Cobbe. Sobrang close na nga sila eh.”

“Talaga bro? Nako! One big family na talaga!!!” sabi ni Fred.

“Anong one big family? May fiancée na si Sarah ano ba kayo!!” sabi ni Nhila. “Nako Ge ha, umiwas-iwas ka sa gulo! Gulo yang pinapasok mo!”

“Nay  naman! Para namang lumabas lang at tsaka hindi naman ako ang nag-aya eh si Cobbe. Dapat nga hindi papayag si Sarah eh pero naawa siya kay Cobbe dahil nalungkot kaya ayun pumayag na rin.”

“Bro! Ang gaan ata ng loob ni Sarah kay Cobbe at si Cobbe naman ay trip na trip niya si Sarah!” sabi ni Fred.

“Ewan ko ba kung bakit ganun si Cobbe kay Sarah!”

“Ge ha. Inuunahan na kita, wala namang masama sa pakikipagkaibigan at pakikipag-close kay Sarah pero alamin mo ang limitasyon mo ha?”

“Limitasyon. Ibig sabihin na hanggang kaibigan lang talaga ako ni Sarah.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili. “Opo Nay! Kayo naman!”

“Syempre! Kailangan kitang protektahan! Tsaka hindi porket may anak ka na eh hindi na kita papangaralan noh!”

“Uy bro! Dalin mo naman dito minsan si Sarah! Gusto ko na siyang makita ulit! I’m sure mas lalo siyang gumanda!” sabi ni Fred.

“Oo nga! Para naman makamusta ko! Tagal din nating di nagkita-kita noh!” sabi ni Nhila.

“Sige Nay. Dadalhin ko siya dito pero sana pumayag.” sabi ni Gerald.

“Papayag yun! Sabihin mo si Nanay ang may gusto tapos kapag hindi umobra gamitin mo ulit si Cobbe!” sabi ni Fred.

“Gunggong ka talaga! Gagamitin mo pa talaga yung bata!” sabi ni Gerald.

Author's Note: Nako!!! War na ba ito?!!! Galit na galit daw si Sam! Ano kayang mangyayari susunod? Abangan niyo. At papayag kaya si Sarah sa pagkikita nilang muli nina Nhila at Fred? Abangan niyo din po. Pasabik effect lang! Salamat sa suporta!!! :*

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon