Chapter 29 - Very caring girlfriend

2K 32 2
                                    

Sobrang nag-aalala si Sarah sa kalagayan ni Gerald kaya naman ay binantayan niya ito hanggang sa pagtulog. Hindi niya lubos maisip na nangyari nga ang di niya inaasahan.  “Grabe na talaga ang kasamaan ni Sam! I can’t believe he could do this!!!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang inaayos si Gerald sa kanyang higaan para humanda na para matulog.

“Ayan! You’re fine. Pwede ka ng matulog babe.” sabi ni Sarah. “I have to go.”

“Stay.” sabi ni Gerald at hinawakan niya ang kamay ni Sarah.

“Ano?”

“Sabi ko dito ka nalang.”

“Nako! Di pwede. Nag-iintay pa si Mommy sa bahay! Tsaka may pasok pa ako sa kumpanya bukas! I need to go home.” sabi ni Sarah. “Take care.” sabay halik kay Gerald sa noo at napansin na mainit ito. “Mainit ka ha! Nako! You’re badly sick!!! I have to call mom.” kinuha ni Sarah ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan agad si Divine. “Hello Mi?”

“Oh Baby! Kanina pa ako nagiintay ng tawag mo bakit ngayon ka lang tumawag?”

“Mommy sorry pero long story. Saka ko nalang kukwento. I won’t go home tonight.”

“Ha? Why? Nasan ka ba? May nangyari bang masama?”

“Wala namang worst basta sasabihin ko sayo lahat when I get home pero kailangan ako dito. Nasa bahay ako nina Gerald by the way.”

“Okay sige. Take care!!”

“Oh akala ko ba aalis ka na?” tanong ni Gerald.

“Ano ka ba?! Maysakit ka so I have to take care of you!” sabi ni Sarah at ibinalik ulit ang kanyang cellphone sa bag.

“Ayieeeee. Hindi mo ko matiis!!!”

“Ikaw talaga! Maysakit ka na nga tapos may gana ka pang mang-asar dyan!!!” sabi ni Sarah. “Nako jusko po!! What am I gonna do?!”

“Wag ka ngang mag-panic dyan!!! Malayo ‘to sa bituka noh!!!”

“May masakit ba sayo or what?! Tawagan ko nalang kaya sina Nay Nhila para mas maalagaan ka?”

“Gusto ko, ikaw.” sabi ni Gerald sa kanyang sarili.“Meron! Yung mga sugat ko!! Alam mo kesa kanina ka pa natataranta dyan, kumuha ka nalang ng malamig na tubig, towel, paracetamol, tubig na maiinom at thermometer sa baba.”

Si Gerald ang nagturo kay Sarah nang mga gagawin kahit na siya ang maysakit dahil walang kaalam-alam si Sarah sa mga ganitong bagay dahil laki nga sa yaman, luho at ginhawa si Sarah.

“Honestly, wala talaga akong alam dito! I don’t know what to do!” sabi ni Sarah habang kinukuha ang mga kailangan sa baba at umakyat siyang muli nang makuha na niya ang mga kailangan. “Oh eto na. What am I going to do next?”

“Nako! Pano ka niyan mag-aasawa babe kung hindi ka marunong sa mga ganito!” pang-aasar ni Gerald.

“Ayan na naman yang mga pang-aasar mo ha! Wag mo kong simulan baka hindi ko na ‘to ituloy ‘tong pag-aalaga ko sayo bahala ka dyan umapoy sa lagnat!!!”

“Ang brutal mo naman babe! Binibiro ka lang eh!!”

“Alam mo sa lahat lahat ng mga maysakit na nakita ko, ikaw lang ang nakita kong may gana pang makipag-asaran!”

“Syempre! Superman ‘to! Walang inuurungan!!!”

“Superman na may lagnat!!!”

“Ahhhh! Bumabawi ka sa pang-aasar ha!”

“Oh ano gagawin ko dito?”

“Syempre, iinumin ko yung paracetamol at tubig. Tapos itong thermometer, lalagay mo sa kili-kili ko para makuhanan mo ako ng temperature. Tapos itong malamig na tubig at towel, ipapahid mo sa katawan ko para malamigan ako at bumaba ang init.” explain ni Gerald.

“So talagang gagawin ko pa yung pagpapahid?”

“Ano ka ba babe! Syempre naman! Baka mamatay na ako sa init ng katawan ko!”

“Sige na. Sige na!” sabi ni Sarah at kinuha ang thermometer. “Oh. Ilalagay ko ito sa kili-kili mo!” inilagay ni Sarah sa kili-kili ni Gerald ang thermometer. “I just don’t know what to say sa ginagawa ko ngayon. It’s like I’m caring a baby. Cute!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang hinihintay na matapos ang pagkuha ng temperature yung thermometer.

“Oh ayan. Pwede mo nang tanggalin. Tingnan mo kung ilang degree Celsius.” sabi ni Gerald at tiningnan ni Sarah ang thermometer. Pumalo ito sa 39 degree Celsius.

“Grabe!!! 39 ang taas naman ng lagnat mo kaya inumin mo na itong paracetamol para makatulog ka na.” sabi ni Sarah at pinainom kay Gerald ang paracetamol.

“Good night Babe.” sabi ni Gerald.

“Good night. Magpahinga ka ng maiigi. Ipapahid ko na itong malamig na tubig sa katawan mo para ma-relax ka naman at makatulog okay?”

“I love you.” papikit na si Gerald.

“I love you too.”

“Napaka-swerte ko talaga kay Sarah. Napaka-maalaga at willing to learn siya sa mga bagay na hindi niya alam. Hinding-hindi ko na talaga siya pakakawalan. Akin na siya at wala ng iba pang pwedeng makihati sa pagmamahal niya para sa akin.” sabi ni Gerald habang kinukuha niya ang kanyang tulog.

“I’m sorry Gerald if you have to go all through this. Hindi ko naman ine-expect na gagawin ni Sam ang mga ganitong bagay. Sorry kung nasaktan ka dahil sa akin.” sabi ni Sarah habang patuloy ang kanyang pagpahid sa katawan ni Gerald ng towel na may malamig na tubig. 

Author's Note: Hello po!! Eto na po muna ang update. Di ko po alam kung kelan ulit ako makakapag-update. Ang daming school work! 2 weeks na lang po kasi exams na. Thanks po sa mga nagbabasa!!! :) 

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon