Chapter 6 - Impact

2.2K 28 4
                                    

Kinabukasan, tanghali na at hindi pa din nagigising sina Fred at Gerald kaya naman nagtaka si Nhila kasi dati rati ay kumakaripas na ito para sa trabaho nung mga panahong iyon.

“HOY!!!!” at pinagbabato ng mga unan ni Nhila sina Fred at Gerald.

“Nay naman eh!!!” sabi ni Gerald.

“Ang sarap sarap matulog!!! Ba yan!” sabi naman ni Fred.

“Aba aba. Alam niyo ba kung anong oras na aber?!?” sabi ni Nhila.

“Ang aga aga pa Nay! Wala pa ngang sikat ng araw eh!” sabi ni Gerald na papikit-pikit pa ang mga mata.

“Oo nga wala pa ngang araw.” sabi ni Nhila.

“Oh eh di babalik kami ng tulog ni Gerald. “sabi ni Fred.

“Wala pa ngang araw dahil makulimlim at alas nuebe na ho ng umaga!!!! Bangon na!!!” sabi ni Nhila at wala pa ding imik ang dalawa dahil bumalik ulit sa higaan.  “Ah sige. Baka naman gusto ninyong buhusan ko kayo ng kumukulong tubig dyan nang mabalatan kayo ng di oras??!” pagbabanta ni Nhila at natauhan na sina Fred at Gerald. Bumangon na sila at kumain ng almusal.

“Bakit ba ang kukupad ninyo ngayong umaga ha?” tanong ni Nhila.

“Eh kasi Nay kakatulog lang namin eh.” sabi ni Fred. At pinagdilatan siya ni Gerald. “Bakit? Anong masama sa sinabi ko?”

“At bakit naman ha?!? Sabay sabay tayong natulog kagabi ah! Anong ginawa niyo kagabi ha?!??”

“Kasi Nay ganito yun…” naputol ang sinasabi ni Fred nang sumingit si Gerald.

“Ako na.” sabi ni Gerald. “Kasi Nay nagising kami nang may sumigaw na babae tapos lumabas kami. Ayun si Sarah pala. May nakitang ahas pero hindi naman ahas yun. Isang bulateng malaki eh hindi makaalis dahil nakaharang sa dadaanan niya kaya tinulungan namin.”

“Mmmm… totoo ba yan ha?!? Baka ine-echos niyo lang ako ha!!” sabi ni Nhila.

“Oo Nay! Totoo ‘to! Hindi kami nagbibiro!!” sabi ni Gerald.

“Mas lalong lumakas yung pagka-crush ko sa kanya nung makita ko siya sa personal Nay!! Sobrang kinis ng balat at ang cute nung smile pati dimples niya!!!” sabi ni Fred na parang inlove na inlove ang itsura.

“Gunggong!!! Tantanan mo na ang pag-iilusyon dun sa babaeng yun. Puti na buhok mo dyan, nganga ka pa rin!” sabi ni Gerald.

“Bakit ba ganyan ka Bro?! Hindi mo nalang ako suportahan!” sabi ni Fred. “Tama nga ang hinala ko.”

“Anong hinala?!?”

“Kunwari ka pa!! Ang sabihin mo, ang hirap kumala sa impact na dulot ni Sarah sayo!!!”

“Utot mo!! Hindi noh!!”

“Hoy!!! Pwede ba? Bilis-bilisan nyo na dyan at baka hinahanap na kayo ni Sir Delfin sa hacienda!!!” sabi ni Nhila.

Samantala, si Sarah naman ay hindi pa din bumababa kahit na gising na siya at kahit na tanghali na. Ayaw na niya talagang lumabas. Wala siyang gana sa lugar na iyon.

“Pasok.” sabi ni Sarah.

“Anak?” sabi ni Delfin at isinara ang pinto matapos pumasok. “Gising ka na pala. Halika na, samahan mo akong mag-almusal.”

“I’m not yet hungry.”

“Sige na. Kagabi, hindi mo na ako sinamahan sa hapunan.”

“I said, I’m not yet hungry. Kukuha nalang ako ng pagkain sa baba kapag nagutom na ako. Okay? Please leave.” nakatalikod si Sarah kay Delfin habang sila ay nag-uusap.

“Bakit ka ganyan?!? Ganyan ba palaki sayo ni Divine?!?”

“Wag mong kwestiyunan ang pagpapalaki ni Mommy sakin dahil wala ka nung mga panahong iyon!! Hindi mo alam kung ano ang mga sakripisyo ni Mommy para lang mabuhay kaming dalawa!!!” biglang humarap si Sarah kay Delfin at tumayo siya.

“Alam ko yun.”

“Pano mo malalaman eh nandito ka sa hacienda mo! At mas pinili mo pa ‘to pati mga tauhan mo kesa sa pamilya natin!!!”

“Alam mong hindi totoo yan!!!”

“Yes, it’s true. Please don’t fabricate stories kasi yun ang sabi sakin ni Mommy and I know kayong dalawa lang naman ang nag-usap tungkol dun diba?”

“Oo nga pero hindi mo din alam kung nagsasabi ng totoo si Divine.”

“How dare you!?? Ngayon naman kukwestiyunin mo ang pagkatao ni Mommy?!? Ganyan ka na ba talaga ha?”

“Hindi naman yun ang ibig kong sabihin anak.”

“Then what?!?” sabi ni Sarah. “At isa pa, wag mo kong tatawagin na anak kasi matagal ko nang kinalimutan na tatay kita.”

“Hindi ako makapaniwala na kaya mo yang gawin Sarah.” malungkot na sabi ni Delfin at lumabas ng kwarto.

Narinig ni Manang Julieta ang usapan habang siya ay naglilinis sa itaas at kinausap niya si Delfin nang mahimasmasan sa mga nangyari.

“Narinig ko yun.” sabi ni Manang Julieta. “Ayos ka lang ba?”

“Ayos lang ho ako Manang.” sabi ni Delfin.

“Nako kilala kita Delfin. Alam kong nasaktan ka sa mga nasabi ni Sarah.”

“Sa totoo lang ho, oo tama kayo. Sobra akong nasaktan. Hindi ko naman inisip na ganun pala ang impact kay Sarah nang pagkaka-iwan ko sa kanila noon.”

“Alam ko naman kung bakit mo yun ginawa diba? Ginawa mo lamang iyon para sa pangako mo sa iyong namayapang ama.”

“Tama ba talaga, Manang?!”

“Tama naman Delfin. Pero sana ipinaliwanag mo sa kanya kung bakit.”

“Ginawa ko naman yun eh pero siguro huli na ang lahat Manang. Buo na ang pag-iisip ni Sarah. Wala na siguro akong magagawa.” sabi ni Delfin.

Sa wakas ay lumabas na rin ng kwarto si Sarah. Si Delfin naman ay nasa hacienda na at inaasikaso nito at ang mga tauhan. Naglibot-libot si Sarah sa hacienda at pinag-iisipan pa din niya yung mga nasabi niya sa kanyang tatay. “Tama ba talaga yung ginawa ko? Yung mga nasabi ko? Oh masyado naman sumobra? Alam kong Tatay ko pa din siya at hindi ko dapat ginawa yun. Pero hindi, iniwan niya kami. Yan ang dapat sa kanya!!!” sabi ni Sarah sa sarili.

“Bro?! Si Sarah ba yun!?” tanong ni Fred nang matanaw niya si Sarah na may kausap sa cellphone.

“Oo. Eh ano naman ngayon?!” sabi ni Gerald habang tinitingnan kung nasaan si Sarah.

“Pupuntahan ko!”

“Psst…. Oy!!! Bumalik ka dito!!!!!” pagpigil ni Gerald kay Fred pero hindi na niya napigilan.

“Okay, thank you! I love you so much. Take care and see you soon!” sabi ni Sarah sa kausap niya sa kanyang cellphone nang may narinig siyang kaluskos. “I could hear you!!! Sino ka? Lumabas ka na dyan!!!!!”

Author's Note: Sino kaya yung naririnig na kaluskos ni Sarah? At sino kaya yung boyfriend ni Sarah? (Yung Boyfriend hulaan niyo pero matagal-tagal pa po bago ko pa i-reveal. Secret pa po. Inuunahan ko na kayo, hindi po si Rayver. Haha!)

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon