Chapter 45 - It hurts

1.2K 20 6
                                    

Dahil sa sama ng loob ni Sarah, nag-bar siya. Siya lamang mag-isa. Gusto niyang maglasing dahil sa sakit na kanyang nadarama. Gusto niyang makalimot kahit papaano dahil eto lamang ang tanging alam niyang paraan. Hindi siya naglalasing. Ito ang unang pagkakataon.

“Isa pa.” sabi ni Sarah na mejo may pagkalasing na ang tono ng kanyang boses.

“Mam? Sigurado po ba kayong kaya niyo pa? May kasama po ba kayo? Lasing na kayo eh.” sabi nung bartender.

“Sabi ng isa pa eh!!!!” sabi ni Sarah na galit at napalingon ang isang lalaking may kasamang kaibigan, 6 inches away sa kinauupuan ni Sarah.

“Pare, teka lang ha.” sabi ni Coco at tumayo sa kanyang kinauupan.

“Bakit pre? Kilala mo ba yang pupuntahan mo?” tanong ni Paulo. (Avelino po. Hehe!)

“Parang….” lumapit si Coco sa lugar ni Sarah. “Sarah?!”

“Oh Coco! Ikaw pala!!!” lasing na tono ni Sarah.

“Bakit ikaw lang? Wala ka bang kasama?”

“Ako lang! Ikaw?”

“May kasama ako. Lasing ka na ha! Tama na yan! Halika na uuwi na kita.”

“Ayoko!!! Gusto ko pang uminom!!! Cheers!!!”

“Sarah lasing ka na. Wala ka pang kasama oh! Sige na iuuwi na kita.” aktong kukunin na siya ni Coco.

“Ano bang problema mo ha?!” pagpupumiglas ni Sarah. “Sinabi nang ayoko pa eh!!! Gusto ko pang uminom!!! Ang KJ KJ mo naman!!!”

“Sarah tama na talaga!!! Di mo na kaya eh!!! Amin na yan!!!” dinampot ni Coco ang boteng nasa kamay ni Sarah. “Eto oh. Salamat!” binigay ang bayad sa bartender at inakay si Sarah.

“San mo ko dadalhin ha!!! Ikaw ha!!!” sabi ni Sarah na lasing na lasing na at hindi na alam ang kanyang mga sinasabi.

“Oh Pre! Sino naman yan! Ikaw ha! Ang bilis mo!” sabi ni Paulo nang makita si Coco na dala-dala si Sarah.

“Ano ka ba! Kaibigan ko lang ‘to! Iuuwi ko lang walang kasama eh! Lasing na.” sabi ni Coco.

“I get it pare! Sige! Enjoy!”

“Gago!” at tuluyan ng lumabas si Coco ng bar.

Isinakay niya si Sarah sa loob ng kanyang kotse at pansamantalang dadalhin niya muna ito sa kanyang condo dahil hindi naman niya alam kung saan ang bahay ni Sarah. Kung anu-ano ang mga sinasabi ni Sarah sa kanya nung mga nasa byahe sila at maging makarating sila sa condo. Inihiga niya si Sarah sa kanyang kama at kumuha siya ng pamunas para naman mahimasmasan si Sarah.

“Bakit ang bait mo ha?” sabi ni Sarah na lasing na lasing pa din habang pinupunasan siya ni Coco.

“Dahil kaibigan kita.” sabi ni Coco.

“Buti pa ikaw ganyan ka di tulad ng iba! Mga manloloko! Alam mo ba yun ha? Ang sakit sakit ng maloko ng pinakamamahal mo ang sakit!!!”

“Alam ko yan. Naramdaman ko na din yan.”

“Talaga? Kanino?”

“Sa ex-girlfriend ko. Iniwan niya ako. Pinagpalit niya ako sa amerikano at dun na siya nakatira. Mahal na mahal ko siya sobra.”

“Ahhhh. Bagay pala tayo eh!!!”

“Bagay nga!” sabi ni Coco at buti nalang bago niya nasabi yun eh nakatulog na si Sarah. “Buti naman at di niya narinig.” itinigil niya na rin ang pagpupunas kay Sarah para makatulog ito. Nag-ring naman ang cellphone ni Sarah at sinagot ni Gerald. “Hello? Ay hindi po ito si Sarah.”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon