Chapter 25 - Apology

1.9K 28 6
                                    

Kailangan pa din maging matatag ni Sarah. Ayaw niyang magpa-apekto sa mga manlolokong katulad ni Sam. May conclusion na talaga siya sa isip niya at ayaw na niya nang paliwanag ni Sam dahil sawang-sawa na siya. Ayaw na niya talaga. Pagod na siya.










“Sarah!” sabi ni Gerald at nakababa na siya nang sasakyan. Sabay na naman muli sila ni Sarah sa parking lot.

“Uy.” sabi ni Sarah pero halatang-halata na malungkot siya.

“Ayos ka lang? May problema ba? Hindi pa ba kayo nagkakaayos ni Sam?”

“As much as gusto kong sabihin lahat sayo Ge, pero mukhang mahihirapan akong mag-kwento dahil fresh pa at sobrang masakit pa talaga sakin.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Let’s go inside!” pag-iiba ni Sarah ng topic.

“Ano kaya yung problema ni Sarah? Tsaka bakit ayaw niyang pag-usapan?” ang mga tanong ni Gerald sa kanyang sarili na gusto niyang masagot.









Pumasok sina Sarah at Gerald sa kumpanya. Ayaw pa ni Sarah na pag-usapan ang mga bagay bagay na makakapagpa-alala kay Sam at sa mga ginawang panloloko nito sa kanya. Sobrang laki ng galit ni Sarah kay Sam. “Kung pwede nga lang mawala na lang siya ng parang bula, ginawa ko na eh!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili na galit na galit. Nagulat naman si Sarah sa bumulaga sa kanya. Isang sorpresa mula kay Sam. Pinuno niya ng bulaklak ang buong floor. Nais niyang mag-sorry kay Sarah.











“Ano na naman ‘to?!?” iritang-irirta na sabi ni Sarah.

“Uyy!! Magbabati na sila!” pangaasar ni Gerald pero sa kabilang isip niya ay hinihiling niya na hindi nalang sila magbati kahit na masama yun.

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon