Chapter 9 - Asthma Attack

2.2K 29 3
                                    

Matapos ang hapunan ay naghahanda na sila para matulog. “Ganito ba talaga dito?! Wala man lang TV? Tapos pagkatapos kumain, matutulog na agad? Okay, bye social life!” sabi ni Sarah sa kanyang sarili habang pinagmamasdan sina Gerald, Nhila at Fred. Kaya lumabas na lamang siya para tawagan ang kanyang boyfriend. Yun lang kasi ang alam niyang paraan para aliwin ang kanyang sarili.

“Hi baby!!” bati ni Sarah.

“Oh hi! How are you?”

“Sino naman kaya yung kausap nang babaeng ‘to?! Disoras na ng gabi ay telebabad pa din ang inaatupag!!!” sabi ni Gerald sa kanyang sarili habang nakamasid siya ng patago mula sa bintana.

“I’m fine! Pero pinarusahan ako ni Daddy and I’m grounded at everything except my cellphone.”

“Ohhh. Kawawa naman ang baby ko. Kelan matatapos yan?”

“I really don’t know but I hope really very soon!! Nahihirapan na ako simula pa lang.”

“Kaya mo yan okay? Cheer up!”

“Awwww! Thank you baby!”

“No problem!”

 “So how are you-----“ naputol ang sabi ni Sarah nang biglang……

“EHEM!!!” sabi ni Gerald.

“What?!” sabi ni Sarah. “Baby, I’ll call you back. I love you so much! Take care.” at binaba na ni Sarah ang kanyang cellphone.

“Aba?!? Nakuha pa niya talagang sabihin yun sa harap ko?!? Pero sino ba naman ako diba? Hay! Ano ba Gerald!!!” ito ang mga nasa isip ni Gerald habang kaharap niya si Sarah. “Pumasok ka na sa loob at isasara ko na yung pintuan!”

“I’m not yet sleepy! Tsaka kakakain lang ng dinner tapos tulog agad?”

“Ganun talaga! Masanay ka na dahil dito ka na nakatira samin!”

“Tapos wala man lang TV? Ano kayo cave man?!?”

“Wag mo nang hanapin ang wala. PWEDE?!? Tsaka kailangan mo nang matulog dahil maaga pa tayo bukas!”

“Bakit?! Ano na naman ang ipapagawa mo sakin?”

“Basta!!! Kaya kailangan mo nang matulog sa ayaw at sa gusto mo!!!!” sabi ni Gerald at hinila si Sarah papasok ng pinto. Ni-lock na niya ang pinto.

“Where’s my bed?!” tanong ni Sarah habang papunta na sila sa kwarto.

“Bed ka dyan! Dyan ka matulog! Sa lapag!” sabi ni Gerald.

“WHAT?!? Dyan?!? Eh ang tigas tigas dyan eh!”

“Laking mayaman ka nga! Ang arte mo!! Pwede bang bawasan mo? Andito na eh!!!!” at nag-gesture si Gerald ng highest level. “Dyan ka mahihiga!! Wala ka nang choice!!!”

“Okay so do you mean magkatabi tayo matutulog?!?”

“Ano pa nga ba? Si Nanay at si Fred natutulog na sa kabila alangan naman na gisingin pa natin sila para palipatin lang diba? Hindi naman tama yun!”

“My God!!!!!!!”

“So ano? Tatayo ka lang dyan?!?” sabi ni Gerald at hindi pa din gumalaw si Sarah sa kanyang kinatatayuan. “Sige, bahala ka dyan. Manigas ka dyan!! Good night.” yung sa GOOD NIGHT ni Gerald ay may halong pang-aasar sa tono.

“GAHHHHH!!!!! I hate you!!!!!!!” sabi ni Sarah at humiga na rin siya sa tabi ni Gerald. “Ano bang klase ‘to?!? Bakit ba kasi pumayag si Mommy dito eh!”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon