Chapter 55 - Proposal papers and... resignation???

76 3 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Reviving this story. Tapusin ko po to, promise! Finally have the chance to be inspired and continue. Somehow, nag-mature na din! Kakatuwang balikan yung story nina Sarah and Gerald. Here you go po. Will finish this! We still have a few chapters left :) 

Also, promote ko lang po yung new story ko inspired by the Fifty Shades Trilogy - entitled 'Love Me Like You Do'. Not a fan fiction but inspired by the characters of Christian Grey and Anastasia Steele. Mejo matured and sexy love. Hope you'll check it out. Thanks! :)



Ito na nga ang araw na ibibigay ni Gerald ang pirmadong proposal papers na napagkasunduan nila ni Sarah at ang resignation. Ayaw man niyang mag-resign pero napag-isip isip niya na panahon na siguro para tapusin ang lahat nang sa kanila ni Sarah at ito ang araw na iyon. Tutuldukan na niya ang lahat. Maaga siyang pumasok at wala pa si Sarah.

"Ayan na siya! Sasabihin ko na ang lahat ng dapat sabihin sa kanya." sabi ni Gerald sa kanyang sarili. Nang makita si Sarah na papasok sa floor ng kanilang office. "Sarah!! Sarah!!!" pag-tawag niya sa kanya.

"Kung ano man yan Mr. Anderson, save it! Wala nang dapat pang pag-usapan!" sabi ni Sarah.

"Pero kailangan nating mag-usap, importante 'to!"

"Make sure it's important!! Ang oras ko ngayon ay sobrang importante!"

"Oo promise!"

"In my office!" pumunta si Sarah sa office at sumunod naman si Gerald. Matapos nilang makapasok ay naupo si Sarah sa kanyang office chair at sinimulan ang trabaho. "So what is it?"

"Eto na nga pala yung proposal papers. Napirmahan ko na yan!" bigay ni Gerald ang mga papeles kay Sarah.

"Oh! I almost forgot! Buti naalala mo pa! Good! Tumutupad ka naman pala sa usapan eh!" sabi ni Sarah at nakitang wala pang balak umalis si Gerald. "Anything else? May kailangan ka pa?"

"Sarah!! Wag ka namang ganyan oh!!! Nakikipag-usap ako nang maayos ah!!!"

"Bakit? Nakikipag-usap naman ako ng maayos sayo ah!!!"

"Kung ano man yung nangyari sa...."

"Save it!!! Hindi na dapat binabalikan pa yan!!! It's nothing okay???"

"Fine! Pero gusto ko lang ng closure!" sabi ni Gerald at patuloy pa din si Sarah sa paggawa ng mga paper works. "Utang na loob Sarah!!! Makinig ka naman dahil huling beses na tayong magkikita!!!!!" Tumaas ang boses niya.

"What? What do you mean?" sabi ni Sarah at itinigil niya kung ano man ang kanyang ginagawa.

"Pero bago ko ibigay ito, gusto ko munang sabihin na mahal na mahal pa din kita pero alam kong ayaw mo na sakin. Okay, tinatanggap ko yun at gusto kong mag-sorry sa lahat lahat! Simula ngayon, kakalimutan na kita at eto." sabay bigay ni Gerald ang resignation letter niya.

"What's this?"

"Resignation letter. Magre-resign na ako at wag kang mag-alala si Fred ang papalit sakin dito."

"What?!?!" napatayo si Sarah. "Hindi naman niya kailangang gawin ito!!!"

"Oh bakit parang nabigla ka dyan?! Diba yan naman ang gusto mo?"

"I know pero hindi naman kailangan pati trabaho ay maapektuhan! It's busin......."

"Sarah?!?! Sarah!!! Wake up!!!!"

Nahimatay si Sarah. Agad na tumawag si Gerald ng tulong sa sekretarya ni Sarah at naisugod naman agad sa hospital. Tinawagan din ni Gerald si Divine upang malaman ang nangyari kay Sarah. Hanggang sa di pa dumadating si Divine ay di pa rin umaalis sa tabi ni Sarah si Gerald.

"What happened?" tanong ni Sarah at nabigla siya nang makita si Gerald sa tabi niya. "What are you doing here?"

"Nahimatay ka at sinugod kita sa hospital." sabi ni Gerald.

"Si Mommy?"

"Natawagan ko na! Papunta na yun!" sabi ni Gerald at saktong dumating naman si Divine.

"Sarah??!! Sarah!!!" sigaw ni Divine pagpasok at hinalikan niya si Sarah sa noo. "Thanks Gerald ha. Maasahan ka pa rin talaga!!"

"Walang anuman ho tita! Siya nga ho pala, pwede na daw pong makalabas si Sarah. Na-over fatigue lang daw at puro stress!" sabi ni Gerald.

"It's not true!!!" sabi ni Sarah.

"Nako!! Wag ka nang mag-deny anak! The doctors have said it!!!" sabi ni Divine.

"Sige ho Tita! Mauna na ho ako!" sabi ni Gerald.

"Salamat hijo!!!"

"Wala po yun!!!" papalabas na sana si Gerald ng pinto.

"Gerald!" pagtawag ni Sarah sabay lingon ni Gerald. "Thank you!"

"Wala yun! Sige!" sabi ni Gerald at tuluyan nang lumabas ng pinto.

"Ayieeeee!!!" pang-aasar ni Divine.

"Mom!?!?" sabi ni Sarah.

"I know! I'm just kidding!"

"Magre-resign na nga pala siya sa company and si Fred ang papalit."

"Really? Bakit daw?"

"He even asked for closure. Gusto na niyang matapos ang lahat ng sa amin."

"That's good! Diba yun naman ang gusto mo?"

"Yeah but... I don't know... Nabibigla lang siguro ako sa mga pangyayari."

"I know but you'll get used it!"

"Sana nga......" sabi ni Sarah sa kanyang sarili.

Pagkalabas ng pinto ni Gerald ay nakasalubong niya si Coco na papunta sa kwarto. Di nila alam dalawa kung ano ang gagawin nila. Kung sino ba ang magha-hi o kung magde-dedmahan nalang ba sila and in the first place ay hindi pa naman talaga sila pormal na nagkakakilala ni Coco.

"DIba ikaw si Gerald?" tanong ni Coco.

"Yeah!" sabi ni Gerald.

"What are you doing here?"

"Ako kasi yung nag-sugod sa hospital kay Sarah."

"Ah! I see. How was she?"

"Okay na naman siya. Na-over fatigue lang at masyadong na-stress!"

"Thank God! Akala ko pa naman ay may nangyaring masama sa kanya! Sige! Thanks pare!" sabi ni Coco at papasok na sana siya ng kwarto ni Sarah nang magsalita ulit si Gerald.

"Uhm... Coco?"

"Ano yun?"

"Ingatan mo si Sarah. Mahalin mo siya ng buong puso at wag na wag mo siyang sasaktan."

"I will! Don't worry!" sabay pat ni Coco sa balikat ni Gerald at pumasok na sa loob ng kwarto."




A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon