Chapter 13 - Getting closer indeed

2.1K 38 6
                                    

Lumipas ang mga araw at mas naging close pa sina Sarah at Gerald. Samantalang, si Sarah naman ay unti-unti naring natatanggap si Delfin at mejo nagkakasundo na rin sila. Para sa araw na ito, pagagawa naman ni Gerald kay Sarah ay magtanim ng palay. First time na naman ito para kay Sarah pero ngayon ay di na siya masyadong nagre-reklamo.

“Anong gagawin naman natin dito?” tanong ni Sarah.

“Magtatanim ka ng palay.” sabi ni Gerald.

“Talaga?!? Nako! Baka naman mali.”

“Tuturuan naman kita eh.” sabi ni Gerald at hinubad na ang kanyang damit para magsimulang magtanim. “Tara na!”

“So kailangang nakahubad talaga?”

“Mainit eh!” sabi ni Gerald at hinawakan ang kamay ni Sarah. “Tara!”

Nag-simula na silang magtanim ng mga palay at mabilis namang natuto si Sarah. Nag-enjoy siya sa pagtatanim ng palay at syempre masaya si Gerald dahil natutuwa si Sarah at natuto si Sarah nang madali sa pagtatanim ng palay. Kung dati ay ma-reklamo si Sarah, ngayon ay iba na. Di na.

“Ay sorry.” sabi ni Sarah nang aksidenteng matalsikan ng putik si Gerald.

“Ay sorry din.” sabi ni Gerald na sinandyang nilagyan si Sarah ng putik.

“Hoy!!! Sinasadya mo ha!!!”

“Ah? Ako? Hindi ha! Nag-sorry kaya ako!”

“Sinasadya mo eh!!!!” sabi ni Sarah at mejo lumalayo si Gerald. “Oh bakit ka lumayo dyan aber?”

“Dito naman ako magtatanim bakit? Masama?”

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon