Chapter 40 - Pagluluksa

1.2K 25 2
                                    

The Heritage Park, Taguig. Dito ililibing si Cobbe. Nakalagay ang katawan ni Cobbe sa isang blue casquet na parang kotse dahil sa mga materials na ginamit. Nakakuha si Fred ng lupa na maganda ang pwesto. Naka-puti ang mga tao. Malungkot. Nangungulila sa batang napaka-inosente at wala pang ka-muang muang masyado sa mundo. Sinimulan na ang misa at isa-isa ng nag-bless ang ataul ni Cobbe. Nauna si Divine, Delfin, Nhila, Fred at ang huli ay sina Sarah at Gerald.

“Sorry Baby. I’m sorry. Pero I want to thank you dahil pinrotektahan mo ako. Saludo ako sayo Cobbe kahit na ang bata bata mo pa ang tapang tapang mo na! I wish na sana at peace ka na dyan kasama si Lord. I promise that I will take care of your Daddies and your Mamitas! I love you Cobbe. I will miss you and see you soon!!!” ang mga nasambit ni Sarah sa kanyang isip habang binebless niya ang ataul ni Cobbe.

“Cobbe!! Mamimiss ka ni Daddy!! Pero proud ako sa ginawa mo. Pinrotect mo ang girlfriend ni Daddy. Malulungkot si Daddy of course pero sana maging happy ka na sa heaven with Papa God. Watch us from here ha? I love you Cobbe!!!” sabi naman ni Gerald habang binebless niya ang ataul ni Cobbe.

Matapos ang pagbe-bless ay sinimulan na ang pagaalay ng white roses. Inilagay nila isa-isa sa libingan ni Cobbe bago ito tuluyang ibaba. Ramdam na ramdam ang kalungkutan. Matapos nun ay tuluyan nang ibinaba ang ataul ni Cobbe. Tinabunan ng lupa. Ang pamilya Anderson at Geronimo naman ay nanguna sa pagpapalipad ng puting lobo at butterflies.

Pagkatapos ng libing ay isa-isa nang nagsisialisan ang mga nakipag-libing. Naghahanda na din para umalis ang pamilya Geronimo at Anderson pero hindi nila mahanap kung nasaan si Gerald. Bigla nalang itong nawala at agad naman itong hinanap ni Sarah.

“Mi nakita mo ba si Gerald?” tanong ni Sarah habang nag-aayos sila sa loob ng sasakyan.

“Hindi baby eh. Tanong mo si Fred o si Nhila.” sabi ni Divine.

“Hindi nga daw nila makita eh. Hinahanap din nila.”

“Eh baka naman andun kay Cobbe ayaw iwanan.”

“Sige. Hahanapin ko muna.”

“Sige. Intayin ka namin.”

At hinanap ni Sarah si Gerald sa Heritage. Kung saan saan na siya nakapunta. Nakita niya si Gerald. Nasa chapel pala ng sementeryo. Agad naman niya itong pinuntahan para damayan dahil alam niyang napakabigat at napakalungkot nitong araw na ito para sa lahat lalong-lalo na sa kanya.

“Ge! Andito ka lang pala eh! Kanina ka pa namin hinahanap!” sabi ni Sarah.

“Oh, bakit hindi pa kayo umaalis?” tanong ni Gerald.

“Hinahanap ka kasi namin eh.”

“Sige na mauna na kayo! Dito na muna ako!”

“Gerald, alam kong mahirap para sayo ang araw na ito. Kaya nga ako nandito diba? Gusto mo damayan kita?”

“Hindi wag na. Gusto ko munang mag-isa.”

“Ge, girlfriend mo ako kaya dadamayan kita sa lahat ng pagkakataon!!!”

“Hindi na nga eh! Sige na! Mauna na kayong umuwi!!”

“Yan naman ang hirap sayo eh! Sinosolo mo ang problema!!! Nandito na nga ako, dadamayan na kita ayaw mo pa!!! Ano ba kasing problema mo???”

“Sorry Sarah. Sasabihin ko na ba sayo?” tanong ni Gerald sa kanyang sarili. “Sarah, may…. may sasabihin ako.”

“Ano yun? I’m willing to listen.”

“Pupunta muna ako ng US.”

“Aalis ka?”

“Oo. Ako lang. Kailangan ko munang hanapin yung sarili ko. Matapos nitong mga nangyari sayo at lalo na kay Cobbe parang ang hirap buuin yung sarili ko kapag andito ako. Kailangan kong umalis para makalimot.”

“Naiintindihan ko.”

“Hindi ko pa alam kung kelan ako babalik.”

“Alam na ba nila?”

“Hindi pa. Sasabihin ko pa lang.” sabi ni Gerald at biglang lumungkot si Sarah.

“Sarah wag ka namang malungkot! I promise na babalik ako. Hindi naman tayo magbe-break eh! Ikaw pa rin naman! Isipin mo lang na nagbakasyon lang ako sa US!”

“Eh kasi baka naman mamaya… makalimutan mo na ako! Madaming tukso sa states!! Been there done that!!”

“Pwede ba yun? Ikaw kakalimutan ko?”

“Sana nga. Sana nga hindi mo ko makalimutan kapag nasa US ka na.” sabi ni Sarah sa kanyang sarili. “Hmmmm…. ikaw talaga!! Sige na nga. Tutulong ako sa pag-iimpake mo!”

“I love you.”

“I love you too.”

Author's Note: Long time no update guys!!! Hello po! Sorry po if after three months saka nalang ulit po ako nakapag-update. Soooooobrang daming nangyari sa school and now, finally, tapos na ang 2nd year college life ko :) Kamusta po kayong lahat dyan? 

Syempre, itutuloy ko pa rin po itong story ko. Tatapusin ko po ito hanggang dulo despite sa mga nangyayari ngayon sa ating tambalan na hinahangaa natin. Basta ako, favorite ko pa rin sila. Susuportahan ko ang tambalan nila at maski individually :) Keep your hopes up guys! 

More revealing chapters soon! 

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon