Chapter 41 - After One Year

1.2K 28 9
                                    

Tuluyan nang pumunta ng US si Gerald. Kahit na mahirap para kay Sarah na magkalayo sila ay inisip nalang niya na para ito sa ikabubuti ni Gerald at para sa ikatatahimik niya. Madaming nagbago simula nung umalis si Gerald, si Delfin ay bumalik na muli sa US upang ituloy ang kanyang mga negosyo. Habang wala si Gerald ay si Fred muna ang pumalit sa kanya sa posisyon niya sa kumpanya nina Sarah. Ngayong wala na nga si Cobbe ay si Nhila naman ay tumutulong na rin sa pamamahala ng kanilang mga negosyo. Si Divine naman ay namamahala pa din sa mga restaurant branches nila.

Si Sarah naman ay patuloy din sa kanyang trabaho. May communication pa din naman sila ni Gerald pero minsan ay hindi sila nakakapag-usap at nagtataka rin si Sarah kung bakit. Minsan naiisip niya na baka may nangyaring masama o kaya yung iniisip niyang ayaw niyang mangyari. Pero naniniwala naman siya kay Gerald eh. May tiwala siya kaya hindi naman siya masyadong nababahala.

Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan. Makalipas ang isang taon. Bumalik si Gerald sa pilipinas. Buong-buo at isang bagong Gerald Anderson. Kinalimutan ang nakaraan. Ang lahat lahat. Pero…. may isang hindi inaasahan na pangyayari. Pag-uwi din niya sa Pilipinas ay nag-uwi din siya nang bagong problema. Yun ay dahil sa katauhan ni Kim Chiu. Napili nila na sa Pilipinas na lamang tumira gayong nasa Pilipinas din naman pala ang mga kapatid ni Kim. Ulila pala ito. Namatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident.

Nabigla sina Nhila at Fred nang ipakilala ni Gerald si Kim sa kanila bilang girlfriend niya. Paano na daw ang pag-iibigan nila ni Sarah? Wala na ba yun? Walang kaalam-alam si Sarah sa mga ganitong bagay. Pero kailangan niyang malaman ang totoo. Babalik na si Gerald sa kumpanya kung saan si Fred ang pumalit sa kanya pansamantala.

Author's Note: Nakooo! Pano nga kaya? Mas exciting pa ang mga magaganap!!! Abangan niyo guys :) 

Congratulations kay Ati sa success ng It Takes A Man And A Woman! Umabot na ng 300 plus plus million and I'm hoping na umabot pa sa 400 million :) Hehe! Abangan natin siya sa ASAP at The Buzz today :) 

PS. Sa mga sumusubaybay po sa isa ko pang fan fiction entitled "One Heart (Ashrald Story)". Updated na po after 3 months na hindi ko nabuksan!! Chapter 59 na po :) Read na guys!!! Enjoy!!!

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon