Chapter 46 - Buntis nga ba?

2.2K 22 3
                                    

Nalaman na nga ni Nhila ang katotohanan sa likod ng relasyong Kim-Gerald pero hindi pa rin maiiwasan na maawa at masaktan siya para kay Sarah dahil para sa kanya ay isang huwaran at talagang totoong pagmamahal ang pinakita ni Sarah para sa kanyang anak pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Nangyari ang di nila inaasahan kaya wala na silang magagawa kundi harapin nalang ang katotohanan.

“Good morning ho!” sabi ni Kim.

“Gising ka na agad? Ang aga mo namang magising!!!” sabi ni Nhila sa kusina habang nagluluto siya ng kanilang almusal. “Siguro nga ganyan pag buntis.”

“HA? Ano ho?”

“Bakit ka nagulat? Sabi ko ganyan kapag buntis diba?”

“Ay oo. Uhm… nagulat lang ho ako kasi alam niyo na pala.” mejo mautal-utal na sabi ni Kim na halatang may tinatago.

“Oo. Kakasabi lang sakin ni Gerald kahapon.”

“Hindi ho ba kayo nagalit?”

“Wala na eh. Magalit man ako o hindi nandyan na yan at dapat panindigan yan!”

“Wag ho kayong mag-alala. Mamahalin ko ho ng buong-buo si Gerald.”

“Salamat naman sayo Kim.” sabi ni Nhila na patuloy pa din ang kanyang pagluluto. “Kelan ang check up mo naman?”

“Ho? Uhm…..”

“Hindi ka pa ba nagpapa-check up? Ilang buwan na ba yan?”

“Uhm… mga… mga uhm… 3 months po?” sabi ni Kim na parang hindi sigurado sa kanyang mga sinasabi.

“Oh eh bakit parang hindi ka naman sigurado ha!”

“Ay hindi. 3 months po talaga.”

“3 months? Talaga?!?!” biglang hinawakan ni Nhila ang tiyan ni Kim pero mejo umilag si Kim. “Oh bakit ka naman umiilag dyan??”

“Wala naman po. Mejo sensitive lang po talaga ako magbuntis!”

“Sabagay pero ang liit mo namang magbuntis! 3 months na yang lagay na yan ha! Nung nagbubuntis nga ako kay Gerald eh nagsisimula na akong tumaba! Teka may pinaglilihian ka ba?”

“Ako ho? Eh… uhm… wala pa po eh.”

“Wala? Aba’y kakaibang buntis ka ha!” sabi ni Nhila.

“Oh sige ho… uhm…. babalik na ako sa paghiga. Mejo sumakit yung tiyan ko.”

“Oo tama nga yan! Masama ang magpagod pag buntis!” sabi ni Nhila at umalis si Kim. “Bakit ganun siya? Parang may nililihim!”

Mejo naiilang si Kim sa mga tanong pang-buntis ni Nhila at si Nhila naman ay nagsu-suspetsa kung si Kim ba talaga ay buntis o hindi o kaya naman kay Gerald ba talaga yung batang dinadala niya kung siya ay buntis man. Samantala, kinausap naman ni Divine si Sarah tungkol sa mga nangyari kagabi pati narin tungkol kay Coco.

“Ikaw! Magpaliwanag ka nga sakin!!” sabi ni Divine at pumasok sa kwarto ni Sarah habang si Sarah naman ay nagme-make up dahil papasok siya sa office kahit na mejo may hang over pa siya.

“Ano na naman mommy! Ang aga aga eh high blood agad!!!” sabi ni Sarah.

“Syempre! Panong hindi ako matetensyon sa ginawa mo kagabi!!”

“Mom alam mo naman na mag pinagdadaanan ako eh. Gusto ko lang makalimot!”

“Makalimot? Ang paglalasing sa tingin mo ang solusyon? You’re insane!!! Buti nalang may kaibigan ka dun! Wala ka pa namang kasama. Isa pa pala, sino ba yung Coco na yun ha?”

“Mom? Diba nga sabi ko siya yung new client namin!”

“Are you sure na kaibigan lang? Hindi ba nanliligaw yun sayo?”

“Mom?!?! Grabe naman yang mga tanong mo!!! Of course not! Kakakilala ko palang sa kanya kahapon tapos ligaw agad? We’re friends!”

“Ikaw ha! Alam mo naman na ikaw ang unica hija ko kaya I’ll do anything to protect you!”

“Of course  I know that pero wag namang masyado Mi ha? Tsaka sarado pa puso ko sa mga ganyang bagay! I’m still moving on!”

“Good! That’s my girl! Do not dwell on the past kasi baka mamaya hindi ka na maging masaya dahil lagi ka nalang nakatingin sa past mo.”

“I know.” sabi ni Sarah at kinuha niya ang kanyang bag at susi ng kotse. “Thanks Mom! Bye! I love you! See you later!”

“Uwi na ha pagtapos ng office. Wala nang bar ha!!!” sabi ni Divine at nag-beso sila ni Sarah habang palabas sila ng kwarto ni Sarah. Pababa na sila ng hagdan.

“Kagabi lang yun! I now proclaim myself as stronger, fiercer and braver woman!!!”

“Good!!!”

“Bye!!!” sabi ni Sarah at tuluyan ng lumabas at pumasok sa kanyang sasakyan at sumakay ito. “Yes. I’m stronger, fiercer and braver woman now.” 

Author's Note: Hmmmmm.............

Next week na po ang next update ko :) Thanks po sa mga nagbabasa!!!

A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon